ako si atari...

My photo
Manila, Philippines
salamat sa pag daan nyo sa kapirasong sulok ng aking buhay. i-click nyo lang ang title ng mga walang kakwenta kwenta kong artikulo para mabasa ito ng buo.. kudos!

Wednesday, August 13, 2008

Saan na napunta ang mga papel at tinta? ikaw.. alam mo ba?


san na napunta ang mga papel at tinta.. nung bata ako, sikat na sikat ang mga pangalang Rogelio Sicat, Genoveva Matute, Amado Hernandez, Lualhati Bautista at Benjamin Pascual.. sa totoo lang naaamaze ako pag nakakabasa ako ng mga magagandang kwento at napapaisip ako.. "pano kya nya nasusulat to ng ganun ka ganda?" .. "pano nya kaya naisip ang kwento na to?" .. at ang mga tanong na yun ay nasagot ko.. "gift" yan ang sagot..

ngayon nasan na ba sila? una akong nahilig sa mga sulatin nung nabasa ko ang "di man masilip ang langit" ni Benjamin Pascual. pagtapos kong basahin eh nasabi ko sa sarili ko "ang galing ng nagsulat nito ah.." at nagbasa pa ng nagbasa.. pero sa totoo lang.. hanggang basa lang ako.. hindi ako nagsusulat at ayaw kong magsulat.. tamad ako sa ganung sitwasyon. naging alipin ako ng libro ng panahon na iyon.. maniwala kayo sa hindi.. pati precious romance inalipin ako.. hahaha! sa angas ng itsura ko ay nagbabasa ako ng tagalog pocketbook..

ngayon.. pag pumupunta ako sa bookstore. iilan nlng ang pumupunta sa book corner, lahat sa magazine corner at mga greetings card.. pag tinitingnan ko yung mga aklat. same old books.. iilan nlng ang bago. at ngayon ko lang nalaman, maging ang mga manunulat ay nabiktima na rin ng teknolohiya at inobasyon. sa inter net makakapagdownload ka ng ebooks, maging sa iphone ko nakapagdownload ako ng ebooks.. for free! ngayon ko nalaman. binaon na ng limot at inobasyon ang mga pangalan ng manunulat na noon ay lagi kong nakikita sa Filipino Books ko nung elementary ako.. kinain na ng teknolohiya ang pambili sana nila ng mga tinta at papel sa pagsusulat, ng kape sa bawat gabi na sila'y nagpupuyat para may maisulat...

at nauso ang Blog.. ang mga blogger na tinatawag noon na "underground writer" pero ngayon eh "mainstream writer" na ang tawag sa kanila. halos lahat nlng ng tao nagbblog, kahit lyrics ng kanta sinusulat sa blog.. pati mga binibentang gamit sinusulat sa blog.. at pati paghahanap ng boyfriend at girlfriend kahit maging mapapangasawa ay sinusulat na sa blog.

hay.. san na nga ba napunta ang papel at tinta.. ikaw.. alam mo ba?

MALU FERNANDEZ SCANDAL.. hay.. sarap kutusan..




hay.. nabasa ko tong article na to.. at nashock ako sa mga nasabi nya.. sa totoo lang naaawa ako sa lalakeng ito.. este! babae pla.. (sorry muka kasing lalake eh..) at nakakahiya at mahihiya siguro ang magulang na nagpalaki dito. nung nabasa ko to parang gusto kong puntahan ang pinanggalingan nyang eskwelahan ng malaman ko agad at hindi ko dun pagaaralin ang magiging anak ko.. gusto ko alamin kung san to nagelementary at mukang walang subject na GMRC sa school na yun.. at malaman na rin kung pumapasok sya sa values education subject nya nung highschool.. sa hinuha ko eh walang simbahan sa lugar na kinalakihan nya.. naalala ko nung kinder kami eh tinuturuan na kami kung paano rumespeto ng kapwa.. ano man ang propesyon nya or kulay ng balat nya. nagkaroon pa nga nun ng mga TV ad campaign kung naaalala nyo yung ganitong line sa commercial na yun..

" VO1: anong trabaho mo?
VO2: karpintero lang po..
VO1: anong karpintero lang?! kung walang karpintero sino ang gagawa ng mga ospital,
simbahan, tulay, eskwelahan at mga gusaling pinagtatrabahuan ng maraming tao..
.. so, anong trabaho mo?
VO2: KARPINTERO PO!"


.. tamo! naaalala ko pa to.. at malamang marami pa rin ang nakakaalala sa TVC na yun.. kasi ganun tayong mga pinoy.. makarinig nga lang tayo ng banyaga sa TV na nagsasalita ng masama sa atin eh katakot takot na batikos, demanda, at reklamo ang ginagawa natin.. ano pa kaya kung kapwa pinoy pa natin ang nagsabi ng ganun laban sa atin.. mas masakit yun pakinggan db??

isa rin ang sa mga libong noypi na nakikipag basag-ulo ng kaalaman dito sa ibang bansa.. hindi ako domestic helper, isa akong graphic designer.. pero saludo ako sa mga nagtatrabaho bilang DH sa ibang bansa.. hindi nyo lang alam kung ano ang hirap nila sa pagtratrabaho dito.. ako nga nabibigatan na sa trabaho ko.. sila pa kaya.. db? at alam nyo ba na nakakatulong ang mga OFW dito upang madagdagan ng trabaho ang mga kababayan natin sa pinas na walang trabaho? gusto nyo malaman?..

pag nagtrabaho ka sa ibang.. syempre ang goal mo is makaipon para makapagpatayo ng negosyo sa pinas.. syempre pag nagnegosyo ka kelangan mo ng mga trabahador.. at sa ganung paraan eh makakatulong ka sa mga pinoy na walang trabaho satin.. kung taon-taon eh merong 100 OFW na nagtayo ng negosyo at nangangailangan ng 10 trabahador.. taon-taon.. 1000 na tao ang natutulungan nila.. db? tpos lalaitin lang nito ni ms.piggy..

kung titingnan sya.. hindi nmn sya maganda.. ni hindi nga sya mukang mayaman.. kung wala nga syang picture na pumunta sya sa kung saan-saan d ako maniniwala sa kanya eh.. anywayz.. hindi sukatan ng pagkatao ang damit na suot mo at sa taas ng narating mo.. kundi sa kung paano ka rumespeto at pahalagahan ang mga taong nasa paligid mo..

darating ang araw at mafeafeature din sa TV tong nasulat nya na to.. at pag nangyari un.. aantayin ko ang reaksyon ng mga taong makakapanood nun.. kung isumpa man sya.. wala kayong magagawa.. ganun tlga eh.. hay..

kayo na bahala humusga..

;)

Monday, August 11, 2008

Installing Wife 1.0

Dear, Tech Support

Last Feb I upgraded from GirlFriend 6.0 to Wife 1.0 and found that it's a memory hog leaving very little system resources available for other applications. He is now noticing that Wife 1.0 is also spawning Child Processes which are further consuming valuable resources. No mention of this particular phenomena was included in the product brochure or the documentation, though other users have informed him that this is to be expected due to the nature of the application.

Not only that, Wife 1.0 installs itself such that it is always launched at system initialization, where it can monitor all other system activity. He's finding that some applications such as Overtime 10.3, BeerBash 2.5, and PubNight 7.0 are no longer able to run in the system at all, crashing the system when selected (even though they always worked fine before). During installation, Wife 1.0 provides no option as to the installation of undesired Plug-Ins such as MotherInLaw 55.8 and BrotherInLaw Beta release. Also, system performance seems to diminish with each passing day.

Some features he'd like to see in the upcoming wife 2.0.

a "Don't remind me again" button
a Minimize button
An install shield feature that allows Wife 2.0 be installed with the option to uninstall at any time without the loss of cache and other system resources
An option to run the network driver in promiscuous mode which would allow the system's hardware probe feature to be much more useful.
I myself decided to avoid the headaches associated with Wife 1.0 by sticking with Girlfriend 7.0. Even here, however, I found many problems. Apparently you cannot install Girlfriend 7.0 on top of Girlfriend 6.0. You must uninstall Girlfriend 6.0 first. Other users say this is a long standing bug that I should have known about. Apparently the versions of Girlfriend have conficts over shared use of the I/O port. You think they would have fixed such a stupid bug by now. To make matters worse, The uninstall program for Girlfriend 6.0 doesn't work very well leaving undesirable traces of the application in the system. Another thing -- all versions of Girlfriend continually popup little annoying messages about the advantages of upgrading to Wife 1.0.

Bug Warning
Wife 1.0 has an undocumented bug. If you try to install Mistress 1.1 before uninstalling Wife 1.0, Wife 1.0 will delete MSMoney files before doing the uninstall itself. Then Mistress 1.1 will refuse to install, claiming insufficient resources.

Bug work-arounds: To avoid this bug, try installing Mistress 1.1 on a different system and never run any file transfer applications such as Laplink 6.0. Also, beware of similar shareware applications that have been known to carry viruses that may affect Wife 1.0. Another solution would be to run Mistress 1.1 via a UseNet provider under an anonymous name. Here again, beware of the viruses which can accidently be downloaded from the UseNet.


Dear, Lord Allan
These are very common problem men complain about, but is mostly due to a primary misconception. Many people upgrade from Girlfriend 6.0 to Wife 1.0 with the idea that Wife 1.0 is merely a Utilities & Entertainment program. Wife 1.0 is indeed an operating system and designed by its creator to run everything.

It is unlikely you would be able to purge Wife 1.0 and still convert back to Girlfriend 6.0. Hidden operating files within your system would cause Girlfriend 6.0 to emulate Wife 1.0 so nothing is gained. It is impossible to uninstall, delete, or purge the program files from the system once installed. You cannot go back to Girlfriend 6.0 because Wife 1.0 is not designed to do this.

Some have tried to install Girlfriend 7.0 or Wife 2.0 but end up with more problems than the original system. Look in your manual under "Warnings - Alimony/Child support". I recommend you keep Wife 1.0 and deal with the situation.

I suggest installing background application program C:\YES DEAR to alleviate software augmentation. Having installed Wife 1.0 myself, I might also suggest you read the entire section regarding General Partnership Faults (GPFs). You must assume all responsibility for faults and problems that might occur, regardless of their cause. The best course of action will be to enter the command C:\APOLOGIZE. In any case avoid excessive use of C:\YES DEARbecause ultimately you may have to give the APOLOGIZE command before the operating system will return to normal. The system will run smoothly as long as you take the blame for all the GPFs.

Wife 1.0 is a great program, but very high-maintenance. Consider buying additional software to improve the performance of Wife 1.0. I recommend Flowers 3.1 and Diamonds 2K. Do not, under any circumstances, install Secretary with Short Skirt 3.3. or Dating Officemate 1.01.. This is not a supported application for Wife 1.0 and is likely to cause irreversible damage to the operating system.

Best of Luck,
Tech Support

Friday, May 30, 2008

sino nga ba AKO??




marami na akong naisulat.. at naikwento pero hindi ko pa ata napapakilala ang sarili ko. at maaaring hindi nyo pa tlga alam kung sino ako. maaring nakikita nyo ang profile ko sa friendster at multiply at napapatanong kayo.. "sino ba tong A-HOLE na toh!"

ang kumpleto kong pangalan ay Allan Floralde. di ko na sasabihin ang panggitna ko ng may maisekreto nmn ako sa inyo. Lumaki ako sa maingay at masayang kumunidad ng Tundo. Bunso ako sa apat na magkakapatid (2 pogi at 2 maganda). nagaral sa pampublikong paaralan at hindi ko ito ikinahihiya.. hindi ako nagmula sa buena de familia.. pero nagmula ako sa pamilyang ubod ng saya. kaya minsan di mo rin ako masisisi kung tinatawanan ko lang ang problema.. at kung ako nlng magisa.. doon ko na ibubuhos ang naipong luha sa pagtawa.

favorite color ko ay pink at black (d ako bading ah).. all time favorite band ko ay rivermaya(nung si rico pa) at beatles.. favorite actor ko ay si Adam Sandler.. at favorite actress ko ay si vilma santos..

pinalaki kaming magkakapatid na kelangang magmano sa matatanda.. gumamit ng PO at OPO o dili kaya ay HO at OHO.. iniimagine ko tuloy ang nguso mo habang binabasa mo yun. hehehe.. pinalaki din kami na kelangan sabay sabay kumain sa almusal, tanghalian at hapunan.. nagdarasal bago kumain.. bago matulog at pagkagising.. tinuruan din kami na bawal sumabat pag may naguusap na matatanda at yuyuko pag dadaan sa gitna ng dalawang naguusap. Pinalaki kaming walang manonood ng TV at maglalaro ng nintendo habang hindi pa tapos ang assignment. natutulog pag tanghali at sabay sabay nagsisimba.. in short.. kinasanayan na naming magkkpatid na ipractice ang GMRC.. hindi ko alam kung bakit kelangan gawin ang mga un,, basta ang sinasabi lang ni mama sakin.. RESPETO daw un at DISIPLINA..

ang pagkabata ko ay makulay na parang sinabawang gulay.. lumaki ako sa syato, pera sa likod, tumbang preso, patintero, teks, dampa, ligtasan, basketball, taya sa gitna, lego, kalog, tansing ng laruan at kung anu-ano pa. malaya ako nung bata basta wag lang daw akong magdodroga.

nahilig ako sa pagddrawing.. actually lagi akong sumasali noon ng mga patimpalak ng POSTER MAKING CONTEST sa eskwela.. at tuwing nananalo ako.. iisa lang ang natatanggap kong premyo.. ang prestihiyosong SAKURA OIL PASTEL.. alam ko magaling ako sa pagddrawing noon pero ngayon ay hindi na.. may isang pangyayari kasi sa buhay ko na nagpabago nun.. at sa akin nlng un. naging miyembro ako ng dance group noong highschool at banda na rin.. magkaiba noh? pero totoo.

pagtungtong ko sa kolehiyo ninais ko maging pulis.. that time kasi gusto ko tlga itumba ang mga adik samin. pero di ako pinayagan ng mama ko kaya no choice ako kundi pumasok sa PLM (Pamantasan ng Lungsod ng Maynila) at doon ay naging miyembro ako ng theater guild nila.. ang MAGWAYEN CREATIVE SCHOLARS GUILD.. at ng kapatiran na PI GAMMA PHI. pinangarap ko maging artista pero kahit ano gawin ko eh nanatili pa rin akong pangkaraniwang mamamayang lokal ng Pinas.

kinalaunan eh nagtransfer ako sa PUP dahil sa pagkakaospital ko ng ilang buwan dahil na rin sa aking katangahan. malaking aspeto ng buhay ko ang PUP kahit na sandali lang ako nanatili doon.

nagtrabaho ako sa Pinas bilang Non-Linear Editor at Animator sa mga kumpanyang wildfire at GMA 7 (pero kapamilyang totoo ako).. ngayon nandito ako sa ibang bansa at nakikipagtagisan ng talino(kung meron nga) at creativity sa mga dayuhan galing sa ibat ibang sulok ng mundo. at gaya ng dati.. Non-Linear editor pa rin ako at animator sa isang Ad Agency dito.. ang kaibahan nga lang.. parte na ako ng creatives team at senior na din.


nahilig sa mga gadgets at games.. nahilig sa pelikula.. naadik sa DVD.. nahilig sa musika.. nangolekta noon ng NBA cards.. naranasan umakyat ng bundok.. maglibot sa sementeryo ng madaling araw.. hindi nahilig sa anime pero nagustuhan ang naruto at slamdunk.. nahilig sa sapatos.. sa bag.. nagmahal.. nasaktan.. nagmahal uli.. at nakasakit nmn.. nahilig sa mga gig at concert.. nahilig sa mga bagay na pinipindot.. nakapunta ng hongkong, disneyland para mamasyal, pumuntang samar upang maranasang mangisda.. naging aktibo sa youth organization.. dumami ang kaibigan at kachokaran.. pero kahit kailan hindi ako nakalimot sa Diyos..

sa tuwing binabalikan ko ang pakabata ko.. ang layo layo ko noon sa ngayon. ni wala sa isip ko na mangingibang bayan ako.. wala sa isip ko na magiging ganito ang trabaho ko.. ang akala ko kasi noon magiging pulitiko ako.. ni wala sa isip ko na tatangkad pa ako ng konti.. ni wala sa isip ko na mangyayari ang mga ganito..

ngayon naiisip ko.. sana bata nlng ako habang buhay.. walang problema.. laro lang ng laro.. nanghihingi sa nanay ng pambili ng wonderboy at granny goose (yun ang tawag ko sa tortillos noon)..

sana..

sana pwedng maibalik ang noon..

Musikang Bato





hay.. namimiss ko na ang pagbablog. nagtatampo na rin ang pareng laptop ko at lagi ko syang pinapagod sa pagttrabaho.. kaya ngayon may blog session kami..

time starts now..


kagabi pinilit ko magrelax mula sa pagpapaalipin sa trabaho. wala ako magawa kaya nagdownload nalang ako ng mga kanta. syempre tagalog.. pusanggala bihira na ako makarinig ng mga OPM song. nagdownload din ako ng mga foreign songs. at nilagay ko lahat sa iPhone ko.. ng may bago nmn ako mapakinggan sa ofis..

kaninang umaga habang bumbyahe papuntang ofis ay pinakinggan ko ang mga dnownload ko. at sa isang iglap nakapagsalita ako ng hindi maganda "shit!" tama.. napa "shit!" nga ako.. "shit!" kasi ang dami kong naaalala sa mga kantang un. naaalala ko lahat ng mga pangyayari sa buhay ko na pinapakinggan ko un.. naaalala ko nung nasa FX ako papuntang makati lagi ko pinapakinggan sa iPod ko ang kanta ng DA WUDS na "nakalimutan ang Diyos".. naaalala ko nung nasa G-Liner ako at pinapakinggan ko ang mga kanta ni Alanis, jeff Buckley, Keane at rivermaya.. shit! nasan na ba si Rico Blanco? may balita ba kayo sa kanya. si Rico ang isa sa mga idolo kong manunulat ng kanta. Genius!

tapos napatingala ako sa langit. ibang iba ang langit sa pinas sa langit sa dubai. kanina ko lang nalaman. sa sobrang pagmamahal ko sa bayan kong punong puno ng gulo sa gobyerno.. pati langit nito nakabisado ko. ngayon ko naapreciate ang Pinas. siguro nga kelangan pa mawala sayo ang isang bagay bago mo ito maapreciate at bago mo malaman ang kahalagahan nito. tama! iyon nga yun..

pagkatouch ko ng NEXT sa playlist ko.. losing my religion. "shit!" uli.. naalala ko ang banda ko..

meron akong banda sa pinas. siguro sa lahat ng kinahiligan ko sa buhay.. yun ang hindi ko ma-let go.. ang musika.. lahi kami ng mga musikero. lahat ng mga kapatid ko kahit magulang ko marunong tumugtog ng instrumento.

2nd year hayskul ako nung nagumpisa akong magbanda. 4 kami sa banda noon.. si vanie ang drummer, si eric ang bassist, ako ang lead guitar at vocalist at si RJ ang rythm guitar.. umusad ang panahon at may nadagdag sa amin. si christian pero ang religion nya ay hindi christian. ang cool noh? kya lang hindi rin sya nagtagal kasi nabuntis nya yung jowa nya na lagi nyang sinasama pag may rehearsal kami. actually libangan lang tlga ang pagbabanda nun. tuwing pagkatapos namin maglaro ng basketball ay dederetso kami sa studio at magppractice tapos maliligo.. gusto kasi namin pahirapan ang mga katawan namin. nakatungtong kami ng kolehiyo at nagbabanda pa rin kami pero libangan lang tlga. hanggang sa nabawasan na nmn kami ng isa. at this time.. 3 nlng kami. nagiba na rin kami ng pangalan ng banda.. naging "MONGHE NG HILAGA" kami. sikretong malupit nlng ung una namin pangalan. ang makahula may premyo sakin. hehehe..



3 nlng kami sa banda.. napilitan akong mgdrums.. si eric ang bassist at si RJ ang gitarista.. at this time.. Dream Theater na ang kinakana namin. mejo tumaas ng konti ang level ng tugtugan. sumali kami sa mga battle of the bands. minsan nananalo.. minsan hindi.. naging manila semi finalist kami sa muziklaban noong 2005. hanggang sa naiimbitahang tumugtog sa mga bar. pero d tlga namin sineryoso ang pagbabanda (sa lagay na yun) kasi iba ang mga pangarap tlga namin. at nagaalaral din kami noon.

lumayas ako sa pinas.. iniwan ko ang mga drumstik, double pedal at gamit ko sa musika.. pero ang puso ko hinahanap tlga ang pagbabanda.

miss ko na ang Pinas. ni hindi ko na nga alam ang uso sa MYX.. namimiss ko na ang OPM band. namimiss ko na rin ang mga mala-EMO na mga paslit sa pinas na naglalakad sa daan. namimiss ko na ang mamalo at umapak sa pedal.. namimiss ko na ang sumigaw sa microphone.. namimiss ko na ang tumalon sa mga concert at makipagbanggan ng katawan. miss ko na lahat. malaking sulok ng buhay ko ang musika. kaya malaking sulok din ng buhay ko ang nawala.

miss ko na tlga.

Sunday, May 4, 2008

..its a bird! ..its a plane! ...Heller?! Nanay ko po yung tinutukoy nyo!


Ang childhood Hero ko ay si Super 123, pero namulat din ako sa X-men, kay superman, batman, kay robin(padilla), kay darna at kung anu-ano pa.. akaelibs ang mga abilidad at kapangyarihan ng superhero na ito kung iisipin mo.. pero.. wala yan sa NANAY ko..

Lima kaming magkkapatid.. Minus one kaya apat nlng. namatay kasi ang panganay namin noong hindi pa ako pinapanganak at sila plang ang miyembro ng pamilya, so nung time na yun wala pang cute sa pamilya namin. d pa kasi ako pinapanganak nun. hindi kami mayaman nun, ni sa level ng "may kaya" eh hindi kami makakatungtong. pero sinwerte ako sa pamilya at higit sa lahat sa nanay. hindi nagpagapi at nagpatalo ang nanay ko kay pareng kahirapan. walang trabaho ang tatay ko. at lahat kaming magkakapatid ay nagaaral, nagbabayad pa kami ng renta sa condiminium, kuryente, tubig at mga ibang pang gastusin sa bahay.. pero sinisiw ng mama ko ang mga gastusin na yun.. pinakain ni mama ng alikabok si pareng kahirapan.

dating teacher ang nanay ko pero d na sya nagturo, siguro alam nyang wlang mangyayari samin kung magtteacher sya. halos lahat ng raket ata pinasok ng butihin kong ina. Nag AVON ang nanay ko habang nagbabantay ng maliit na sari-sari store na itinayo nya. dahil ang nanay ko ay Mrs.Friendship nung panahon nya ay marami syang naging customer at marami ring bumibili sa aming tindahan. kung may friendster lang noong panahon ng nanay ko baka 10 ang account nya sa dami nyang friends. siguro dun din namin namana kay mama ang pagiging palakaibigan sa lahat, maganda, pangit, may ipin, wala, matanda, bata, tao o hayop, manananggal mangkukulam, may kapansanan, nomal man o hindi.. kinakaibigan namin.. wala kaming pinipili. di uso sa pamilya namin ang racial at facial discrimination. sa dami ng customer ni mama. naging #1 hit ang sari-sari store namin nun at naging monthly top seller ang nanay ko sa AVON hanggang sa napromote sya bilang Franchise Dealer. ilang beses nag abono ang nanay ko sa AVON pero d sya nagresign. alam nya kasi malaki ang naitulong ng AVON sa amin.. (parang inaadvertised ko na ang AVON d2.. sana mabasa nila to at bayaran ako) matapos nun eh hindi pa napagod ang nanay ko. daig pa si wonder woman na walang kapaguran. nag buy and sell si mama, nag natashia, saralee, boardwalk, nagrasyon ng bigas, nagnegosyo ng four seasons, nagpautang (oh infairness nagpapautang na kami!), at ngayon Meron na kaming Gift Shop na number one leading Gift Shop sa aming barangay.. Naks! konti nlng matataob na namin ang National bookstore! dumating ang oras na nagabroad ang Nanay ko. nung time na yun ang time kung saan sinubok kami bilang Pamilya. nagtrabaho ang nanay ko bilang mananahi sa taiwan. kami naman ay parang pamilyang unti-unting gumuguho sa konting ulan lang na dumating sa aming tahanan. Doon ko napatunayan.. walang kwenta ang pamilya kung walang nanay sa tahanan. naranasan kong pumasok ng walang almusal at laging late, uuwi ng walang tao sa bahay.. at nagiisa lang ako nakaupo sa sofa. at isa sa pinakamaskit na naranasan ko ay nung dumating ang araw ng birthday ko ngunit wala manlang nakaalala. d ko makakalimutan yung araw na yun. ang tanging nakaalala lang ay ang panganay kong kapatid.. umuwi sya nun galing PLM ng sinabi nya.. "oh bakit?!" at ang nasabi ko lang "birthday ko ngayon eh.." doon lang nila naalala na birthday ko. doon ko naisip na kung nandun ang nanay ko that time! baka masaya ang gabi ko. doon ko naranasang hindi ako nakapagpasa ng mga project ko at assignment sa school dahil wala ang nanay ko para tulungan ako. paralisado ang pamilya namin nun. doon ko naisip, si nanay ang Main Man ng aming tahanan. nung mga panahon na yun ay natuklasan ko rin ang sarili kong talento. dahil sa gusto kong maglibang, sumali ako sa mga audition sa school namin. naging varsity ako ng volleyball nun(pero hindi ako bading!), naranasan ko rin sumali sa singing contest sa school kung saan kusot ang polo ko pero inuwi ko ang 3rd place. naging champion ako sa drawing.. at naging player din ng soccer sa Don Bosco. cguro napansin ni Papa Jesus that we badly need our mother back (naks! english un!) nagulat nlng ako isang araw at sinalubong ako ni r-jay sa tulay galing ako sa practice ng volleyball "allan nanjan na nanay mo ah!" naisip ko nun "si r-jay malala na.. kung anu-ano na ang pinagsasabi, kumpleto nmn ang pamilya nya pero bakit parang nauna syang masiraan ng ulo sakin" paguwi ko at pagbukas ng ko pinto doon ko napatunayan.. NORMAL SI R-JAY! nadoon nga ang nanay ko! nagulat kami kasi wala pa syang 3 months. at nagulat din ang nanay ko at nagkaroon sya ng ticket pabalik sa pinas.. hindi nya daw alam kung saan nanggaling basta dineliver lang daw sa bahay nila sa taiwan. doon ko napatunayan.. ASTIG SI LORD! binigyan nya ng ticket ang nanay ko at hindi lang basta ticket sa eroplano.. 1st class ticket pa! umuwi ang nanay ko sa pinas at hindi na bumalik uli. at mula noon, sinimulan namin ang naudlot naming pangarap. ang angas ng nanay ko kung tutuusin. at ang angas din ng pamilya namin.

siguro kayo sasabihin nyo rin sakin "wala ka sa nanay ko.." pero isa lang masasabi ko.. kahit ipagmayabang nyo nanay nyo sakin. d pa rin nila kayang talunin ang nanay ko. Napagtapos kaming lahat ng nanay ko gamit lamang ang sarili nyang abilidad, talino at lakas ng loob at hindi nya lang kami pinagtapos, nasunod din namin ang mga luho naming magkakapatid kahit hirap kami. hindi namin naranasang mainggit sa mga kalaro namin dahil nagkakaroon din kami ng mga laruann magagandang damit at sapatos noon na tanging "may kaya" lang ang nagkakaroon. pero kahit ganun. proud ako kay mama dahil ni minsan ay di kami nanloko, nangagrabyado ng tao para lang kumita. ngayon ang pamilya namin ang isa sa pamilyang ginagalang sa baranggay namin. Ang nanay ko ay isang ng Presidente ng ilang Women Organization sa Tondo, naging kagawad ang tatay ko, napagtapos ng nanay ko ang panganay namin at ngayon ay nagttrabaho na sa malacanang bilang commissioner, ang ate baby ko nmn ay teacher sa isang private school at ngayon ay nagmamasteral, ang kuya ko ay may sarili ng pamilya at meron ng sariling negosyo, at ako? Graphic Designer lang nmn ako dito sa dubai at isa sa may hawak ng proyekto at gagawa ng pinakamalaking Animated Ad Banner sa buong mundo. soon mababasa nyo na ang pangalan ko sa guinness book of world record.. Ang angas diba?! hindi ko pinagmamayabang ang mga sarili namin. pinagmamayabang ko ang Nanay ko na nagsumikap upang marating namin ito.

Ngayon sa darating na araw ng mga Ina sa Mayo 11. isa lang ang masasabi ko sa nanay ko. "Ma! salamat.. pakiss nga.. mmwwhhhaaa!"

ikaw? superhero din ba ang nanay mo? cguro OO.. pero sinasabi ko sayo.. wala pa rin tatalo sa nanay ko.

Wednesday, April 30, 2008

You can take the Pinoy out of the Philippines but you can't take the Philippines out of the Pinoy..




..ayon yan sa isang librong nabasa ko (na hindi ko pa natatapos!) at napatunayan ko ito nung pumunta ako noon sa Hongkong (na feeling ko nasa ongpin lang ako) at ngayon dito sa dubai. kahit na siguro lunurin nila ako ng kultura at kinagisnan nila. kulturang pinoy pa rin ang aking hinahanap ko.

nakakatawang pakinggan pero namimiss ko rin pala smoke pullution, ang basura sa lansangan, ang ingay ng jeep, ang mga holdaper (na halos bespren ko na!), ang videoke, ang sidecar, ang kwek-kwek, ang mga lutong ulam sa kalsada pati almusal, ang soap opera, maniwala kayo sa hindi pati si Madam Gloria miss ko na! di ko na nga alam ano nangyari kay Jun Lozada. kung totoo ba ang mga sinasabi nya o pawang mga guni-guni lang.

Noon sa pinas simple lang ang buhay ko, hindi ako magarbo, hindi mapaghanap, simple lang tlga. gigising ako sa umaga para manood ng Umagang kay Ganda (naks! may plugging pa!).. tpos lalabas titingin ng almusal sa tindahan nila aling cely, syempre papalapit plang ako kay aling cely binabalot na nyan ang tsamporado at 3 pandesal na may palamang keso. yan ang menu ko araw-araw kay aling cely... pagkatapos maliligo, papasok sa opisina. nakakatawa pa nito sa GMA 7 ako nagtatrabaho pero paguwi ko sa bahay kapamilya ang pinanonood ko. hehehe.. trivia yan!... tapos uuwi, magbibihis at dadaan sa giftshop namin para makipagkwentuhan sa mama ko na nagbabantay dun.. bibili ng isaw o baga at sparkle.. miryenda na yun! tapos maya-maya ay maghahapunan na at manonood ng TV hanggang sa makatulog. ganyan ang buhay ko sa pinas. pero nagbago ang lahat nung nagsimulang tumuntong ang mga makikinis at flawless kong paa dito sa dubai. bawat araw ay puno ng pagsubok sa buhay.. dito na ako naghanap ng trabaho. Graphic Designer ako sa Pinas kaya Graphic Designer din ako dito. halos bawat araw parang hinahamon ako ni pareng tadhana kung saan ko gusto pumunta. sa dinamidaming lahi ang nagaapply dito eh nahirapan ako makapasok. merong pakistani, iranian, indian, sri lankan, britton, russian, american, kenyan, egyptian at kung anu-ano pa.. sa tuwing pupunta ako sa interview expected ko na na parang Miss Universe ang pupuntahan ko kalaban ang ibat-ibang bansa at makikipagpaligsahan sa question and answer at talent portion. naka ilang pageant este company rin ang pinuntahan ko.. naka 3 ata ako.. pero sa huli.. ako ang nagwagi. tinaas ko ang bandera ng pinas. ang nakakatawa pa nun.. sa mga nagaaply ako lang ang naka longsleeve, faded jeans and white chucks ang nagapply.. lahat sila naka pormal.. pinatunayan ko lang na "looks can be decieving.." hehehe..



dito sa dubai halos makikilala mo ang pinoy sa ugali.. nakangiti kausap, mabango (mabaho kasi sila..), malinis tingnan at magaling pumorma.. tama... naniniwala ako na ang pinoy ay likas na fashionista.. tuwing nakakarinig ako ng nagtatagalog or mga pinoy na naguusap ng tagalog.. napapangiti ako.. nakakamiss din kasi ang usapang ganun. yung tipong from top to bottom ng usapan tagalog lang.. namimiss ko tuloy ang mga chismosa samin..

ang mga pagkain dito hindi mo matetake.. hay.. masakit sa sikmura.. kahit cguro pulubi satin d kakainin ang mga yun.. kaya bihira ako kumakain sa labas. mas gusto ko pa yung namamalengke at nagluluto.. lutong pinoy pa.. nakakamiss mamalengke sa talipapa.. dito kasi sa mall ka pa mamamalengke.. hindi ka tuloy makatawad kasi computerized ang kiluhan, kaya minsan sinisisi ko ang pagusad ng teknolohiya, pati palengke sinalanta na, d na tuloy ako makatawad sa presyo sana d mangyari ito sa mga palengke at sidewalk vendors sa pinas.

hay.. miss ko na ang pinas.. miss ko na ang PBA.. miss ko na ang bangayan sa gobyerno.. miss ko na ang iskandalo sa mga artista.. miss ko na ang tumambay sa kapit-bahay.. miss ko na tlga..

pati sarili ko miss ko na..

miss ko na ang sarili ko nung nasa pinas ako..

makauwi lang ako..

magwawala ako.. hahaha!

Thursday, April 10, 2008

A B N W W L K A T ?!!

Oo.. nawawala nga ako.. bata plang ako nawawala na ako. Kung saan saan nagsususuot, kung saan saan sumusulpot. Kung saan-saan nagtatago, kung sino-sino ang nakakatagpo. Ang dami nilang tinawag sakin.. layas, gala, lakwatsero, lagalag at kung anu-ano pang nakakasakit ng damdamin at nakakaguho ng kalooban, pero maniwala kayo sa hindi. Isa akong “tangang maynila” gala lang ako sa tundo pero sa kalakhang maynila mangmang na ako. Naalala ko ang una akong pagkawala (sabay tingin sa langit with sound effects..) kinder ako nun. Sa Don Bosco Kindergarten malapit samin.. graduation naming nun at kasama ko si pudra dahil kasalukuyang naghahanda si mudrax ng bibihirang lutuin sa mga handaan.. ispageti! .. ok mabalik tayo sa Don Bosco.. mga 15 minutes nlng eh magsisimul na ang programa at isa-isang tatawagin an gaming mga pangalan.. ng bigla kong niyaya ang kaibigang tropang kaututan ng dila ko na si Mark Anthony Asto.. (complete name pa yan!). ang pagkakaalam ko kasi nun eh sa likod lang ng Don Bosco ang eskwelahan ng utol ko.. so niyaya ko si Anthony.. “ne! punta tayong amado.. sa likod lang daw un nitong donbosco sabi ni kuya eh.. puntahan natin si kuya?!” ..but Anthony rejected my offer.. pumalag sya at pumiglas.. pero ok lang.. kayak o nmn yun magisa. So umalis ako sa donbosco.. pumunta ako sa likod.. hinanap ko sa paligid ng donbosco ang sinasabi ni kuya na amado na eskwelahan nya daw. Pero wala akong Makita. Kumakagat na ang dilim pero wala pa rin ako nakikita maski konsensya ni Amado.. kaya bumalik na ako sa Don Bosco upang umaten ng graduation.. pag balik ko.. tapos na ang programa.. grumaduate na silang lahat.. nakahubad na ang kanilang mga toga.. pumapara na ng pedicab ang ilan.. sa di kalayuan may nakita akong tigre.. este, tatay kop la na nagmumukang tigre na sa galit. Pero friendly naman ang approach ko sa tatay ko.. “Pa ano na po nangyari? Hindi ba tuloy ang graduation?” pero sinigawan ako ng tatay ko.. “PUTRAGIS KA SAN KA BA NAGPUPUNTA?! UMUWI NA NGA TAYO! DIMONYONG BATA KA!” in short.. galit nga si papa.. Nalaman ko nlng sa mga chismisan.. nung tinawag pla pangalan ko.. “Floralde, Allan C.”.. umakyat ang papa ko sa kabilang side ng stage pero walang gwapong dumating.. inulit uli ng announcer.. “Floralde Allan C.” pero wala pa rin.. kya nilakasan na niya “FLORALDE, ALLAN C.” pero walang gwapo kahit cute manlang na dumating.. kya sa gitna ng stage.. naisip nlang ng tatay ko na isuot nya nlng sa sarili nya ang medal at sampaguitang dapat eh sakin nya isusuot.. sabay walk out sa stage. Hiyang hiya ako nun sa tatay ko.. pero nandun nay un eh.. at isa pa.. bata pa ako nun, puro laro ang nasa isip at puno ng imahinasyon ang utak.. Pero naulit ang pagkawala ako nung college ako.. kasama ko mga ka-brod ko sa isang kilalang Fraternity sa PLM.. pumunta kami sa jollibee sa intramuros.. bakante ang pila.. sakto gutom na gutom kami dun dahil sa kakalakad sa SM manila para magabang ng free taste sa supermarket.. pero walang dumating na free taste.. ng tinanong na ng crew ng jollibee ang order namin.. sinigaw ko na ang akin.. “isang big mac miss, ice tea ung drinks” sinagot ako ng crew.. “sir naliligaw po ata kayo..” nagpantig ang tenga ko sa sinabi nya kaya.. “pwede ba miss d ako nakikipagbiruan.. hindi ako naliligaw.. nagugutom na ako pl slang isang big mac..” pero pinahiya ako ni crew.. “si jollibee po kasi ito..” ng tiningnan ko ang paligid ko.. pinagtitinginan pla ako at pinagmamasdan ng mga nakapila sa likod ko.. sa tabi ko.. ni jollibee na mascot.. nung cute na nasa bandang kanan nakaupo.. ng mga ka-brod ko.. ng manager ng jollibee at ng malaking mama sa tabi ko na may t-shit na nakasulat ay “I love you sabado..” ngayon.. wala na ako sa pinas.. wala na ako sa donbosco o kokehiyo.. nandito na ako sa ibang mundo kung saan walang kulturang Pilipino.. malamang pati dito.. mawawala din ako..