ako si atari...

My photo
Manila, Philippines
salamat sa pag daan nyo sa kapirasong sulok ng aking buhay. i-click nyo lang ang title ng mga walang kakwenta kwenta kong artikulo para mabasa ito ng buo.. kudos!

Friday, October 19, 2007

R U ONE OF US? (isa ka ba sa amin?)...

marami ng mga pangiiwan na naganap sa skin ng earth na to. naiwan na sikevin sa "home alone", naiwan na din ni caguioa si alapag sa fast break, naiwan din ni jolina si marvin(pero muling nagkita). sa larangan ng sports, balita, showbiz at politics.. uso ang iwanan.. eh ikaw magpapahuli ka ba? malamang naiwan ka na rin. At kung naiwan ka na.. aba! ur one of us! marami ng lugar ang aking nilakbay at iskinitang aking sinuungan. At imposibleng hindi ako nakakakita ng hindi iniwan sa lugar na un. naglaganap ang kanta tungkol sa mgainiwan at nangiwan at sadyang nagpaiwan. pero kahit bali-baligtarin mo man ang mundo. you cant deny da pak na "u r 1 of us" congrats! minsan d natin alam kung bakit iniwan ng isang tao ang isang tao. kung bakit iniwan ni inday si manong guard at kung bakit iniwan ni nanay si ninong.. tsk..tsk.. tsk.. pero ang tanong.. pagkatapos ng pangiiwan.. ano na?? katanungang walang kasiguraduhang sagot. kahit sa baranggay at pulis ka magtanong or sa namayapang si ernie baron ay hindi kayang sagutin. maraming dahilan kungbakit ka iniwan ni juwa. pero wala ng sasakit pa sa dahilang "gusto ko lang"or "ayoko na eh" ika nga ng mga sosyal.. "ouch!" at "putek! ang sakit nun ah" sa mga dukha. mahirap hilumin ang sugat lalo nat hindi mo alam kung san ka nasugatan.. pano ka bibili ng gamot sa botika kung ikaw mismo d mo alam ang sakit mo.. bakit ka bibili ng pako sa hard ware kung ang sira ng kotse mo ay butas na gulong.. sa dalawang magjuwa na nagiiwanan.. may isang umiiyak at may isang humahalakhak.. saan ka dun? ang sakit cguro kung ginive-up mo lahat ng happiness mo para lang sa kanya tapos iiwan ka niya.. tapos ngayon sihappiness d mo na makita.. d mo siya masisisi kasi pinagpalit mo siya sa unggoy mong syuta. siyempre mamimiss mo ang mga HHWWPSSP nyo..(Holding Hands While Walking PaSway-Sway Pa).. at take note.. may hawak pa kayong sagot gulaman sa kabilang kamay nung mga oras na un.. nakakamiss din ang mga walang hingahan na halikan na kundi pa nag time-out ang isa panigurado may malalagutan ng hininga.. nakakamiss din ang mga yakapan to da max.. ang pa-payong-payong effect habang umuulan.. at mga sundot hatid nyo sa isat isa.. atsiyempre.. sinong hindi makakamiss kay "i love you" na parang karugtong na ng mga dila.. hay.. kawawang bata.. sabi ko sayo wag ka magmamahal ng sobra at wag kang maniniwalang mahal ka nya ng sobra.. d 22o un.. sa valentines romance lang nababasa un. learned from dudong at inday.. kahit ganyan yan.. sa larangan ng pag-ibig.. sila ang ekspert. kya ngayon pagpraktisan mo ng magmall mag isa. manood ng sine magisa. kiligin magisa. itxt ang sarili. sulatan ang sarili at yakapin ng sarili.. dahil sa ngayon yan lang ang magagawa mo para makalaya sa kahibangan na pinasok mo. Pero iwasan mo na ang panonood ng mga teleserye at koreanovela at baka maalala mo lang ang mga punchline nyana nagpaasa sayong pusong nangungulila. try mo makinig ng mga Lamb of God at Pantera. manood ng blues clues. at makipagkaibigan sa mga rebulto na walang mga kaibigan na ipakikilala sayo na sasaktan lang ang iyong inosenteng pag-ibig.. naks!
sa hinabahaba ng pagbasa mo nitong kalokohang sinulat ko.. isa lang ang ibig sabhin or mensahe ng obra maestro na ito.. mahalin mo ang sarili mo atwag ka aasa na may magmamahal sayo ng sobra.. dahil meron din silang "sarili" na minamahal tlga nila.. ang tao ay likas na makasarili kaya maging makasarili ka na rin.. kung hindi.. hindi ka "IN" or wala ka sa "USO"..ako si atari floralde.. at ako.. sisimulan ko ng maki-uso..
www.atarifloralde.tk

BITTER OCAMPO...

sa pagbyahe ko kanina mula samin hanggang ayala. ang dami kong mga nakikitang magjuwa..(yuck!) as in holding hands to death, akbayan to d max at pag nasa bahay na.. text galore na sila sa isat-isa. pero ano nga ba tlga ang makukuha nila sa pakikipagsyuta?! kanina nakita ko si dudung (sya ang laging main character sa mga sinusulat ko) nagpaload siya at take note.. pinaloadan nya rin ang syuta nya. "all txt twenti nga ho dalawa" .. tsk.. tsk.. tsk.. kawawang dudong. salat na nga sa pera pinaloadan pa ang juwa. yung katulong nmn namin.. bumabale kay mama sabi nya may sakit daw ate nya.. pero ang totoong istorya... monthsary nila ni bruno.. tingnan mo nga nmn.. at gagastos ka pa.. pano pag nagkasakit tlga ang ate mo at kelangan mo bumale.. ano nmn ang ipapaliwanag mo.. kung tutuusing ang pagkakaron ng syuta ay salot sa buhay. pag anniversary.. gastos.. pag monthsary.. gastos.. pag weeksary.. gastos.. birthday nya.. gastos.. birthday ng tatay nya.. gastos.. birthday ng nanay nya.. gastos na naman.. pag nagkasakit ang aso nya.. isa na namang gastos.. kaltas pa sa allowance mo ang load nyo.. ang date nyo.. ang pamasahe nyo.. male-late ka pa sa ofis dahil napuyat ka kakaisip sa kanya at pagtetelebabad nyo.. hindi ka nglulunch may pangdinner lang kayo pag sinundo mo siya.. aabsent ka at tatakas sa work mo mapuntahan mo lang siya.. pro in d end.. iiwan ka din nya.. masakit man pakinggan pero OO, IIWAN KA RIN NYA.. at syempre alam mo na ang dahilan nya.. panigurado kasama sa "TOP 5 REASON NG MGA NAKIKIPAG BREAK" #1. "i need space" ... #2. "nafall-out of love ako eh".. #3. "ayoko na".. #4. "d tayo lagi magkasundo eh.." at #5. "basta".. at kung lahat ng un ay binanggit na sayo.. CONGRATS!!! kaya kung ako sayo wag ka maniniwala sa sinasabi nilang "DA WAN".. wag ka na magmahal tutal sarili lang nmn nila ang minamahal nila.. nung iniwan ka ba nila inisip nila nararamdaman mo? hindi diba?! kaya tigilan mo na panonood ng mga teleserye at koreanovela.. pagbabasa ng mga pocketbooks na tagalog.. kasi mahihirapan ka lang pag umibig ka at iniwan.. biruin mo pag iniwan ka.. ayaw mo ng kumain.. matulog.. iyak ka ng iyak.. wala kang gana magtrabaho.. gusto mong pumatay pag may nakakasalubong ka na magsyuta na sweet.. gusto mong tumalon sa jeep pag katabi mo magkaakbay.. nagkaphobia ka na sa mga lovestory sa TV.. isusumpa mo na ang panonood ng sine.. at d ka na sasakay ng pedicab para makaiwas sa mga love song nila renz verano na pinapatugtog ng pedicab boy.. gugustuhin mo bang maranasan un?? HINDI DB?!hindi ako bitter ah.. sinong bitter??!! ako??!!! pinangangaralan ko lang kayo.. at balang araw pasasalamatan nyo ko at ililibre nyo ko sa tokyo.. tokyo.. wag mo ng asahang may magmamahal sayo.. dahil walang ibang magmamahal sayo kundi ang sarili mo..www.atarifloralde.tk

LAB MEYKS NO PRAMISES...

"love makes no promises.." ika nga ng isang kanta nung 80's. bakit nga ba pag nagmamahal ka eh hindi pwedeng hindi ka mangako.. nung mid 50's eh nauso ang "sumpa.." nung 70's sumulpot si "pangako.." na karaniwang ginagamit ngayon sa mga kanta.. at nung 80's nagpakilala si "promise.." nahanggang ngayon ay sikat na sikat sa mag-irog.. at nung 90's.. nadagdagan ng "promise cross my heart..hope to die".. pero ano nga ba ang pangako..

nanjan ang susungkitin daw ang buwan.. pagsisilbihan daw hanggang mamatay.. mamahalin pa daw ng walang kapantay.. ipagtitimpla ng juice.. ipaglalaba.. gagawan ng rebulto.. tatanggalan ng patay na buhok.. kakayurin ang libag.. huhugasan ang pwet mo.. at kung ano-ano pang pangako.. pero.. may natupad ba? at eto nmn si tanga.. kada pangako niya ay nagniningning ang iyong mata.. umaawit ang iyong puso.. at naglalaway ang iyong mga labi.. pero pag ang pangako niya ay napako.. naguumpisa ka na magamok.. sapian.. at diliryuhin.. pero sa huli hindi pa rin tayo natututo.. nauuto pa rin tayo ng mga pangako..
wag ka maniniwala sa pangakong yayaman kayo pag napangasawa mo siya kung sa sarili nya d siya makadelihensya ng pamasahe sa date nyo.. wag ka maniniwala sa pangako niya na ikaw lang ang babae sa buhay nya kung buhay pa ang kanyang ate at nanay.. wag ka maniniwala sa pangako niyang manonood kayo ng sine kung takot naman siya sa dilim.. wag ka maniniwala sa pangakong nya ibibigay nya sayo ang buwan(obvious nmn kahit tanga hindi maninwala. pwede ba un..).. wag ka maniniwala sa sinabi niya na ang relasyon nyo ay pangmatagalan kung lahat ng X nya ay inaabot lang ng ilang linggo.. at higit sa lahat wag ka maniniwala sa kahit anong pangako nya.. kasi kahit pangako niya sa sarili nya.. d nya matupad.. tpos iiwan ka rin nya.. ihanda mo na ang sarili mo sa mga dahilan nya pag iniwan ka.. sabi nga ni mary ramos (naks! ayan binanggit ko buong pangalan mo..) uso daw ang iwanan ngayon at ang dahilan na "sorry ha.. hahanapin ko lang ang sarili ko.." yeah! you read it right.. uso ngayon ang mga nawawalang sarili kaya ingat ka.. mejo humahabol un ngayon sa top 5 na karaniwang dahilan ng taong mangiiwan..

alam ko nmn na pagkatapos mo basahin ang mga ito ay maniniwala ka prin sa mga pangako ng juwa mo.. d ko na problema kung kabilang ka sa mga taong uto-uto sa juwa.. basta ako.. nevah! d na nila ako mauuto.. d na ako maniniwala sa mga pangako.. at hindi na rin ako magpapaloko... PROMISE!!


www.atarifloralde.tk

LINTIK LANG ANG WALANG GANTI..

habang ang iba ay abala sa pamimili ng panonoorin kung lastikman ba o zaido.. habang ang abs-cbn at gma7 ay nagiisip ng mga bagong show bilang ganti sa mga itinapat sa kanilang show.. ikaw naman ay abalang abala sa pagiisip kung paano gaganti sa babaeng lumapastangan sa iyong inosenteng puso. nanjan yung maghanap ka ng mangkukulam sa classified ads.. ipagdasal siya sa sampung santo na magkaroon ng panget na buhay sa loob ng isang daang taon.. isumpa siya na magkaroon ng galis aso ang mga magiging anak nya.. at maghanap sa jobstreet ng hoodlum na maaaring tumapos sa buhay nya.. pustahan tayo kinasabwat mo pa ang kaibigan mo para gantihan siya.. paibigin siya at iwan.. pero ang nangyari.. sila ang nagkatuluyan.. pero teka.. bakit ka nga ba gaganti.. pag nangyari ba ang gusto mo eh magiging masaya ka? dadami ba ang syuta mo pag nakaganti ka? magkakajuwa ka ba na artista pag nagantihan mo siya? at higit sa lahat.. pag nagtagumpay ka ba sa pagaamok mo eh.. hindi ka na lolokohin pa ng iba sa mga susunod mo relasyon? hindi naman db?! kaya itigil mo nlng yang mga kahibangan mo na yan.. elementary ka plang nung pinilit mong gantihan ang teacher na nambagsak sayo sa makabayan.. pero nung nkaganti ka sa pamamagitan ng pagtali ng mga sintas nya sa upuan nya.. pumasa ka ba?? nung gumanti ka sa kapitbahay nyo sa pamamagitan ng pagsigaw sa bintana nila ng "ala ho si berting nangupit ng 30 sa pantalon para lang umarkila ng BOLD na VHS sa kanto" ..dahil pinitik nya ang isang NBA card mo.. naibalik ba ang NBA card mo?? nung ginantihan mo ang aso sa kanto dahil kinagat ka.. nakagat mo ba siya? db kinagat ka nya uli?? sabi ko nmn sayo.. walang mangyayari sa pagganti mo.. ako inaamin ko.. nung sinulot ng tropa ko ang syuta nung hayskul ako.. ginantihan ko siya.. paano?? ganito.. hiniram ko cellphone nya at nakitxt ako.. ang tinext ko.. "..PUT#!*& INA M0! PULIS PATOLA KA! WALA KANG GINAWA KUNDI MANGOTONG! MAS MALAKI PA TYAN MO SA UTAK MO! B0B0! MANG-MANG! INUTIL!! sender:bosyo" .. sinend ko un sa isang notoryus na pulis sa lugar namin.. si bosyo?? siya yung hiniraman ko ng celfon na nanulot ng syuta.. nung gabi ring un.. 7minuto plang ang nakalilipas.. may gumulpi sa kanya na isang grupo ng kalalakihang maton sa tindahan habang bumibili ng happy peanuts na walang mabisang kadahilanan.. tsk.. tsk.. tsk.. OO nagtagumpay nga ako sa pagganti sa kanya pero ano ang nahita ko?? WALA! natatawa lang ako pag naaalala ko pero wala nmng malaking nagbago sa walang kwenta kong buhay pagtapos nun..
kaya iho.. iha.. itigil na ang kahibangan at pagplaplano ng paghihiganti.. walang maidudulot na matino yan.. kung iniwan ka nya.. edi fine! iniwan ka.. be happy.. dahil pag nakikita ka nya malungkot.. hindi siya nalulungkot.. bagkus.. humahalakhak yan.. feeling nya ang ganda-ganda nyang lalake/babae.. pag nabalitaan nyang iyak ka lagi ng iyak.. isa lang ang maririnig mo sa kanya.. "ang haba ng hair ko.." sabay tawa.. tsk.. tsk.. tsk.. kawawang bata! kaya smile ka lang! tawa lang ng tawa! hayaan mong sabihan ka nya naloloko na.. ang mahalaga tumatawa ka at siya.. nagtataka kung bakit ka tawa ng tawa.. tska nya maiisip.. sinecelebrate mo lang ang pagkawala nya.. tama na yung mga pinaplano mong coup de etat at people power jan sa isipan mo.. bagkus.. isumpa mo nalang siya na magkaroon ng asawang isa ang mata, may polio, komang at epelepsi.. (in short super dooper baldado) at magkaroon ng mga anak na nasa noo ang pwet at may daliri sa leeg.. atlis.. kung palarin ka at magkatotoo ang sumpa mo na yun.. hindi ikaw ang suspect dahil walang testigo.. walang bakas ng ebidensya.. at hindi ka gumastos at nag aksaya ng oras at naghirap sa pagplaplano.. db??!!! minsan gamitin mo nmn isip mo.. libre ang magisip.. walang bayad yan.. =)
www.atarifloralde.tk