marami ng mga pangiiwan na naganap sa skin ng earth na to. naiwan na sikevin sa "home alone", naiwan na din ni caguioa si alapag sa fast break, naiwan din ni jolina si marvin(pero muling nagkita). sa larangan ng sports, balita, showbiz at politics.. uso ang iwanan.. eh ikaw magpapahuli ka ba? malamang naiwan ka na rin. At kung naiwan ka na.. aba! ur one of us! marami ng lugar ang aking nilakbay at iskinitang aking sinuungan. At imposibleng hindi ako nakakakita ng hindi iniwan sa lugar na un. naglaganap ang kanta tungkol sa mgainiwan at nangiwan at sadyang nagpaiwan. pero kahit bali-baligtarin mo man ang mundo. you cant deny da pak na "u r 1 of us" congrats! minsan d natin alam kung bakit iniwan ng isang tao ang isang tao. kung bakit iniwan ni inday si manong guard at kung bakit iniwan ni nanay si ninong.. tsk..tsk.. tsk.. pero ang tanong.. pagkatapos ng pangiiwan.. ano na?? katanungang walang kasiguraduhang sagot. kahit sa baranggay at pulis ka magtanong or sa namayapang si ernie baron ay hindi kayang sagutin. maraming dahilan kungbakit ka iniwan ni juwa. pero wala ng sasakit pa sa dahilang "gusto ko lang"or "ayoko na eh" ika nga ng mga sosyal.. "ouch!" at "putek! ang sakit nun ah" sa mga dukha. mahirap hilumin ang sugat lalo nat hindi mo alam kung san ka nasugatan.. pano ka bibili ng gamot sa botika kung ikaw mismo d mo alam ang sakit mo.. bakit ka bibili ng pako sa hard ware kung ang sira ng kotse mo ay butas na gulong.. sa dalawang magjuwa na nagiiwanan.. may isang umiiyak at may isang humahalakhak.. saan ka dun? ang sakit cguro kung ginive-up mo lahat ng happiness mo para lang sa kanya tapos iiwan ka niya.. tapos ngayon sihappiness d mo na makita.. d mo siya masisisi kasi pinagpalit mo siya sa unggoy mong syuta. siyempre mamimiss mo ang mga HHWWPSSP nyo..(Holding Hands While Walking PaSway-Sway Pa).. at take note.. may hawak pa kayong sagot gulaman sa kabilang kamay nung mga oras na un.. nakakamiss din ang mga walang hingahan na halikan na kundi pa nag time-out ang isa panigurado may malalagutan ng hininga.. nakakamiss din ang mga yakapan to da max.. ang pa-payong-payong effect habang umuulan.. at mga sundot hatid nyo sa isat isa.. atsiyempre.. sinong hindi makakamiss kay "i love you" na parang karugtong na ng mga dila.. hay.. kawawang bata.. sabi ko sayo wag ka magmamahal ng sobra at wag kang maniniwalang mahal ka nya ng sobra.. d 22o un.. sa valentines romance lang nababasa un. learned from dudong at inday.. kahit ganyan yan.. sa larangan ng pag-ibig.. sila ang ekspert. kya ngayon pagpraktisan mo ng magmall mag isa. manood ng sine magisa. kiligin magisa. itxt ang sarili. sulatan ang sarili at yakapin ng sarili.. dahil sa ngayon yan lang ang magagawa mo para makalaya sa kahibangan na pinasok mo. Pero iwasan mo na ang panonood ng mga teleserye at koreanovela at baka maalala mo lang ang mga punchline nyana nagpaasa sayong pusong nangungulila. try mo makinig ng mga Lamb of God at Pantera. manood ng blues clues. at makipagkaibigan sa mga rebulto na walang mga kaibigan na ipakikilala sayo na sasaktan lang ang iyong inosenteng pag-ibig.. naks!
sa hinabahaba ng pagbasa mo nitong kalokohang sinulat ko.. isa lang ang ibig sabhin or mensahe ng obra maestro na ito.. mahalin mo ang sarili mo atwag ka aasa na may magmamahal sayo ng sobra.. dahil meron din silang "sarili" na minamahal tlga nila.. ang tao ay likas na makasarili kaya maging makasarili ka na rin.. kung hindi.. hindi ka "IN" or wala ka sa "USO"..ako si atari floralde.. at ako.. sisimulan ko ng maki-uso..www.atarifloralde.tk
ako si atari...
- atari floralde
- Manila, Philippines
- salamat sa pag daan nyo sa kapirasong sulok ng aking buhay. i-click nyo lang ang title ng mga walang kakwenta kwenta kong artikulo para mabasa ito ng buo.. kudos!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
uuhhmmm.. napaisip ako d2 ah. makiuso na kaya ako katulad mo?! oo nga no.. tama ka nga ang tao lubos na makasarili. hindi na rin ako umaasa na magiging maayos ang lovelife ko kaya mas ok pa yung zero luvlife.. diba par?
heheh so musta naman ang pakikiuso - masaya ba?!
Post a Comment