ako si atari...

My photo
Manila, Philippines
salamat sa pag daan nyo sa kapirasong sulok ng aking buhay. i-click nyo lang ang title ng mga walang kakwenta kwenta kong artikulo para mabasa ito ng buo.. kudos!

Tuesday, February 10, 2009

TATAY NA AKO!!




YES!!! it's positive! magiging tatay na ako! ngayon ko napatunayan.. LALAKE tlga ako!(sorry japs.. lalake pla ako..) hahaha!

nung isang araw.. nanaginip ako ng sisiw.. d ko alam kung sa dami-dami ng pwedeng mapanaginipan eh sisiw pa.. inalagaan ko daw.. binigyan ko ng magandang bahay at d ko pinamigay sa iba ang sisiw..

ng nakwento ko un kay misis at di ko akalaing igu-google nya un.. and ayon kay pareng google, ibig sabihin daw ng panaginip ko ay baby.. "own baby" at hindi nga sya nagkamali.. pag gising sa umaga.. sinupresa ako ni misis.. binigay sakin ni misis ung karton at tube na hindi ko alam nung una kung para san.. nung binasa ko nakalagay .. " (+) pregnant .. (-) not pregnant ".. nung nakita ko ung tube.. ang kapal ng pagkakasulat.. pakingsyet! positive! dun ko lang nalaman na pregnancy test pla un.. pero pinigilan ko magpanic.. pinigilan ko maexcite.. sabi ko.. "pacheck ka muna baka nagkamali lang ung kit.." pero deep inside.. nagppray na ako na sana.. positive.. and at that time.. pagkapasok ko sa office.. d ko alam na dumeretso na sya sa clinic.. nagpablood test.. at ang resulta! wadapak!! POSITIVE TSONG!!

so after office. dumeretso kami ni japat at joel sa jumeirah (ewan ko kung yan ang tamang spell.. iba-iba kasi minsan spell nyan) para magshoot.. ala lang.. shinootan lang ang buwan at ang mga building na na-pause ang paggawa dahil sa crisis at mga ilaw-ilaw sa bawat sky scraper ng shiek zayed.. pero kahit nagsshoot ako.. d maalis sa isip ko si axl rose (name ng magiging baby ko pag lalake..) so paguwi ng bahay.. ang sipag ko.. naghugas ako ng hugasan.. binilan ng vitamins sa pagbubuntis si misis.. chocolate para sa pagbubuntis.. at bigas (ala na kasi kami bigas).. iba pla ang pakiramdam pag nagkakaanak.. feeling ko next week lalabas na sya.. napaka excited ko.. mejo napaisip ako.. kelangan ko magtipid.. kelangan si axl rose muna.. at ngayon.. nadagdagan ako ng inspiration para lalong magsipag..





at hanggang sa ngayon hindi ako makatulog.. lalo na nung sinabi ni misis.. " si mayumi to pag babae.." siyet! bakit ba di ako nagisip ng pangalan ng babae.. d bale.. hay.. pero isa lang ang hiling ko.. kahit na babae, lalake, or bakla.. ang mahalaga.. normal.. :)

ang lupit ng regalo ni Lord sa aniv namin.. :)