ako si atari...

My photo
Manila, Philippines
salamat sa pag daan nyo sa kapirasong sulok ng aking buhay. i-click nyo lang ang title ng mga walang kakwenta kwenta kong artikulo para mabasa ito ng buo.. kudos!

Friday, January 30, 2009

APO frat's 'most destructive gang'


Kanina bago pumasok.. napanood ko sa Umagang Kay Ganda ang isyu na to.. hindi ako miyembro ng APO.. miyembro rin ako ng isang fraternity at bilang isang miyembro ng isang Fraternity. Masakit ang paratang na ito lalo na sa mga miyembro ng APO.
Nung bata ako, nasiksik sa utak ko na ayaw ko sumali ng frat.. at dehins tlga ako sasali. namulat kasi ako sa kung ano ang pinamulat sakin ng media. na ang frat ay puro lang away.. na pag marami kang kaaway sumali ka ng frat.. na kung gusto mo maging siga.. sumali ka ng frat.. na kung gusto mo maging popular.. sumali ka ng frat.. ayun kasi ung sinisiksik ng telebisyon sa utak ko. na yung mababait na bida sa pelikula ay binubugbog ng grupo or frat na wala ng ginawa kundi manggulo at manarantado ng estudyante.. at yun ang pagaakala ko noon. para sa kaalaman ng iba.. wala ka cgurong makikitang kawani ng pamahalaan or gobyerno na hindi miyembro ng isang frat.. ultimong mga abogado at mambabatas ay miyembro ng frat.. ang mga senador natin ngayon ay miyembro rin ng isang frat.. mantakin mong si erap ay miyembro rin ng frat (d ko tlga alam kung anong university kasi parang d nmn ata sya nagcollege).. sa unang taon ng pagtungtong ko sa fraternity na kinabibilangan ko.. nasabi ko sa sarili ko.. "bakit hindi ko napapanood noon sa TV to?" bakit hindi sinasabi ng telebisyon sa amin na ang mga fraternity pla na to ay may activities and public service na gaya ng medical mission, pagdodonate ng mga lumang libro sa mga elemenntary school, voluntary na pagdodonate ng dugo.. marathon event upang makaipon ng pondo sa mga taong may kapansanan, magdodonate ng mga lumang damit sa mga nasalanta ng kalamidad.. at kung ano-ano pa.. bakit di sinabi ng media sakin to? kaya tuloy ang bata pumapasok sa isip nila na ang fraternity ay puro gulo lang.. ang masakit pa nito.. hindi nktulong ang impormasyon na iyon sa mga bata para mailayo sila sa gulo.. lalo pa silang nakakuha ng idea sa maling paraan.. ayun.. gumawa sila ng mga frat nila sa baranggay nila.. minsan nagugulat ako merong AKRO at APO sa baranggay namin kung saan ang mga miyembro ay mga highschool at out of school youth.. kung ako ang tatanungin. hindi ako naniniwalang kinikilala tlga sila ng mga frat na un. gawa-gawa lang nila un at kinuha na rin ang mga pangalan ng mga sikat na university frat. tsk.. tsk.. in short.. frat fratan.. or pekeng frat.. tuloy nadungisan ang mga pangalan ng mga nasabing frat dahil sa mga siraulong mokong na to na walang ginawa kundi mambato ng pillbox at pana sabay sigaw sa frat nila kuno..
ang fraternity ay isang kapatiran.. at bawat kapatid ay may sariling responsibilidad sa lipunan.. hindi kapatiran sa riot o gulo. marami akong kaibigan sa APO at ganun na rin sa ibang frat.. ang paratangan ng ganito ay masakit dahil halos sirain nito ang pangalang binuo ng mga miyembro, alumni at mga ninuno nito..

Wednesday, January 28, 2009

the legend of tabhebo..

hay..

d ko alam ano pumasok sa utak ko at naisipan kong basahin uli ang mga salita at paguusap na pumatay sakin ng ilang buwan..

akala ko.. ok na.. pero masakit prin pla..


nagsimula ito last year..

meron akong nabasa..

nacurious kaya binasa..

at aksidenteng nabasa..



nabasa ko lahat..

date, oras, at bawat salita na nakasulat..


at bawat salita na yun.. parang pinipiga ang kalooban ko..

nagalit ako.. at hindi lang nagalit... galit na galit..



pero d ko maipakita sa kanya.. di ko masabi..

sinabi ko nlng "ok na ang lahat.." "wala na sakin un.."

kasi ayaw ko ng pagusapan..


sinave ko ang usapan na un sa isang CD..

halos araw-araw sa office binabasa ko..

pinapapikit nlng ako ng aking mga luha na tila sinasabi..
"tama na lan.. wag mo ng basahin para di ka na masaktan.."

halos kinabisado ko ang lahat..

lahat ng panlalait.. pang mamaliit sakin..
panghuhusga.. pang aalipusta..
panloloko at panggagago..


naaalala ko pa nun.. pag umiiyak ako parang nauubusan ako ng hangin..
parang natutuyo ang katawan ko.. parang nasaid na lahat ng kung ano man ang nasa dibdib ko..

mula nun nagkaphobia ako..
nagkaphobia sa mga salitang..
gold digger, social climber,
at kung anu-ano pa..
sinubukan ko magrebelde.. at gumanti..

gumanti sa parte na alam kong masasaktan din sya..
gaya ng pananakit nya sakin..


dumating ang time na.. ayaw ko na..
tinigilan ko na ang pagrerebelde..
bumaba na ako sa bundok ng pakikidigma at pinilit mamuhay ng tahimik..

pero ganun daw tlga..
kung kelan nagbago ka.. tska ka uli susubukan..
nanalo ako.. nasaktan nga sya..
at naintindihan nya na rin ang sakit na naramdaman ko noon..
pero huli na.. wala ng gera.. sumuko na ako.. ayaw ko na..
nasaktan sya sa parteng walang nag nagpuputukan.. wala ng damdaming sumisilakbo..
nasaktan sya sa parteng.. ayaw ko syang nakikitang nasasaktan..

pakiramdam ko bumalik sakin ang pagrerebelde ko..
binato pabalik sakin ang lahat ng nagawa ko..
ako ngayon ang nasasaktan at nanghihina sa tuwing nakikita ko syang umiiyak..
pakiramdam ko.. ako ang talunan sa gera na aking sinimulan..



ngayon.. nabasa ko uli sya..
at ang cd.. nagpakita muli..
parang hinihikayat ako magrebelde uli..
pero.. ayoko na..

hindi ko kaya makita uli syang lumuluha..

higit sa lahat..


hindi ko kaya sya ay mawala..

di ko kaya..