ako si atari...

My photo
Manila, Philippines
salamat sa pag daan nyo sa kapirasong sulok ng aking buhay. i-click nyo lang ang title ng mga walang kakwenta kwenta kong artikulo para mabasa ito ng buo.. kudos!

Wednesday, April 30, 2008

You can take the Pinoy out of the Philippines but you can't take the Philippines out of the Pinoy..




..ayon yan sa isang librong nabasa ko (na hindi ko pa natatapos!) at napatunayan ko ito nung pumunta ako noon sa Hongkong (na feeling ko nasa ongpin lang ako) at ngayon dito sa dubai. kahit na siguro lunurin nila ako ng kultura at kinagisnan nila. kulturang pinoy pa rin ang aking hinahanap ko.

nakakatawang pakinggan pero namimiss ko rin pala smoke pullution, ang basura sa lansangan, ang ingay ng jeep, ang mga holdaper (na halos bespren ko na!), ang videoke, ang sidecar, ang kwek-kwek, ang mga lutong ulam sa kalsada pati almusal, ang soap opera, maniwala kayo sa hindi pati si Madam Gloria miss ko na! di ko na nga alam ano nangyari kay Jun Lozada. kung totoo ba ang mga sinasabi nya o pawang mga guni-guni lang.

Noon sa pinas simple lang ang buhay ko, hindi ako magarbo, hindi mapaghanap, simple lang tlga. gigising ako sa umaga para manood ng Umagang kay Ganda (naks! may plugging pa!).. tpos lalabas titingin ng almusal sa tindahan nila aling cely, syempre papalapit plang ako kay aling cely binabalot na nyan ang tsamporado at 3 pandesal na may palamang keso. yan ang menu ko araw-araw kay aling cely... pagkatapos maliligo, papasok sa opisina. nakakatawa pa nito sa GMA 7 ako nagtatrabaho pero paguwi ko sa bahay kapamilya ang pinanonood ko. hehehe.. trivia yan!... tapos uuwi, magbibihis at dadaan sa giftshop namin para makipagkwentuhan sa mama ko na nagbabantay dun.. bibili ng isaw o baga at sparkle.. miryenda na yun! tapos maya-maya ay maghahapunan na at manonood ng TV hanggang sa makatulog. ganyan ang buhay ko sa pinas. pero nagbago ang lahat nung nagsimulang tumuntong ang mga makikinis at flawless kong paa dito sa dubai. bawat araw ay puno ng pagsubok sa buhay.. dito na ako naghanap ng trabaho. Graphic Designer ako sa Pinas kaya Graphic Designer din ako dito. halos bawat araw parang hinahamon ako ni pareng tadhana kung saan ko gusto pumunta. sa dinamidaming lahi ang nagaapply dito eh nahirapan ako makapasok. merong pakistani, iranian, indian, sri lankan, britton, russian, american, kenyan, egyptian at kung anu-ano pa.. sa tuwing pupunta ako sa interview expected ko na na parang Miss Universe ang pupuntahan ko kalaban ang ibat-ibang bansa at makikipagpaligsahan sa question and answer at talent portion. naka ilang pageant este company rin ang pinuntahan ko.. naka 3 ata ako.. pero sa huli.. ako ang nagwagi. tinaas ko ang bandera ng pinas. ang nakakatawa pa nun.. sa mga nagaaply ako lang ang naka longsleeve, faded jeans and white chucks ang nagapply.. lahat sila naka pormal.. pinatunayan ko lang na "looks can be decieving.." hehehe..



dito sa dubai halos makikilala mo ang pinoy sa ugali.. nakangiti kausap, mabango (mabaho kasi sila..), malinis tingnan at magaling pumorma.. tama... naniniwala ako na ang pinoy ay likas na fashionista.. tuwing nakakarinig ako ng nagtatagalog or mga pinoy na naguusap ng tagalog.. napapangiti ako.. nakakamiss din kasi ang usapang ganun. yung tipong from top to bottom ng usapan tagalog lang.. namimiss ko tuloy ang mga chismosa samin..

ang mga pagkain dito hindi mo matetake.. hay.. masakit sa sikmura.. kahit cguro pulubi satin d kakainin ang mga yun.. kaya bihira ako kumakain sa labas. mas gusto ko pa yung namamalengke at nagluluto.. lutong pinoy pa.. nakakamiss mamalengke sa talipapa.. dito kasi sa mall ka pa mamamalengke.. hindi ka tuloy makatawad kasi computerized ang kiluhan, kaya minsan sinisisi ko ang pagusad ng teknolohiya, pati palengke sinalanta na, d na tuloy ako makatawad sa presyo sana d mangyari ito sa mga palengke at sidewalk vendors sa pinas.

hay.. miss ko na ang pinas.. miss ko na ang PBA.. miss ko na ang bangayan sa gobyerno.. miss ko na ang iskandalo sa mga artista.. miss ko na ang tumambay sa kapit-bahay.. miss ko na tlga..

pati sarili ko miss ko na..

miss ko na ang sarili ko nung nasa pinas ako..

makauwi lang ako..

magwawala ako.. hahaha!

Thursday, April 10, 2008

A B N W W L K A T ?!!

Oo.. nawawala nga ako.. bata plang ako nawawala na ako. Kung saan saan nagsususuot, kung saan saan sumusulpot. Kung saan-saan nagtatago, kung sino-sino ang nakakatagpo. Ang dami nilang tinawag sakin.. layas, gala, lakwatsero, lagalag at kung anu-ano pang nakakasakit ng damdamin at nakakaguho ng kalooban, pero maniwala kayo sa hindi. Isa akong “tangang maynila” gala lang ako sa tundo pero sa kalakhang maynila mangmang na ako. Naalala ko ang una akong pagkawala (sabay tingin sa langit with sound effects..) kinder ako nun. Sa Don Bosco Kindergarten malapit samin.. graduation naming nun at kasama ko si pudra dahil kasalukuyang naghahanda si mudrax ng bibihirang lutuin sa mga handaan.. ispageti! .. ok mabalik tayo sa Don Bosco.. mga 15 minutes nlng eh magsisimul na ang programa at isa-isang tatawagin an gaming mga pangalan.. ng bigla kong niyaya ang kaibigang tropang kaututan ng dila ko na si Mark Anthony Asto.. (complete name pa yan!). ang pagkakaalam ko kasi nun eh sa likod lang ng Don Bosco ang eskwelahan ng utol ko.. so niyaya ko si Anthony.. “ne! punta tayong amado.. sa likod lang daw un nitong donbosco sabi ni kuya eh.. puntahan natin si kuya?!” ..but Anthony rejected my offer.. pumalag sya at pumiglas.. pero ok lang.. kayak o nmn yun magisa. So umalis ako sa donbosco.. pumunta ako sa likod.. hinanap ko sa paligid ng donbosco ang sinasabi ni kuya na amado na eskwelahan nya daw. Pero wala akong Makita. Kumakagat na ang dilim pero wala pa rin ako nakikita maski konsensya ni Amado.. kaya bumalik na ako sa Don Bosco upang umaten ng graduation.. pag balik ko.. tapos na ang programa.. grumaduate na silang lahat.. nakahubad na ang kanilang mga toga.. pumapara na ng pedicab ang ilan.. sa di kalayuan may nakita akong tigre.. este, tatay kop la na nagmumukang tigre na sa galit. Pero friendly naman ang approach ko sa tatay ko.. “Pa ano na po nangyari? Hindi ba tuloy ang graduation?” pero sinigawan ako ng tatay ko.. “PUTRAGIS KA SAN KA BA NAGPUPUNTA?! UMUWI NA NGA TAYO! DIMONYONG BATA KA!” in short.. galit nga si papa.. Nalaman ko nlng sa mga chismisan.. nung tinawag pla pangalan ko.. “Floralde, Allan C.”.. umakyat ang papa ko sa kabilang side ng stage pero walang gwapong dumating.. inulit uli ng announcer.. “Floralde Allan C.” pero wala pa rin.. kya nilakasan na niya “FLORALDE, ALLAN C.” pero walang gwapo kahit cute manlang na dumating.. kya sa gitna ng stage.. naisip nlang ng tatay ko na isuot nya nlng sa sarili nya ang medal at sampaguitang dapat eh sakin nya isusuot.. sabay walk out sa stage. Hiyang hiya ako nun sa tatay ko.. pero nandun nay un eh.. at isa pa.. bata pa ako nun, puro laro ang nasa isip at puno ng imahinasyon ang utak.. Pero naulit ang pagkawala ako nung college ako.. kasama ko mga ka-brod ko sa isang kilalang Fraternity sa PLM.. pumunta kami sa jollibee sa intramuros.. bakante ang pila.. sakto gutom na gutom kami dun dahil sa kakalakad sa SM manila para magabang ng free taste sa supermarket.. pero walang dumating na free taste.. ng tinanong na ng crew ng jollibee ang order namin.. sinigaw ko na ang akin.. “isang big mac miss, ice tea ung drinks” sinagot ako ng crew.. “sir naliligaw po ata kayo..” nagpantig ang tenga ko sa sinabi nya kaya.. “pwede ba miss d ako nakikipagbiruan.. hindi ako naliligaw.. nagugutom na ako pl slang isang big mac..” pero pinahiya ako ni crew.. “si jollibee po kasi ito..” ng tiningnan ko ang paligid ko.. pinagtitinginan pla ako at pinagmamasdan ng mga nakapila sa likod ko.. sa tabi ko.. ni jollibee na mascot.. nung cute na nasa bandang kanan nakaupo.. ng mga ka-brod ko.. ng manager ng jollibee at ng malaking mama sa tabi ko na may t-shit na nakasulat ay “I love you sabado..” ngayon.. wala na ako sa pinas.. wala na ako sa donbosco o kokehiyo.. nandito na ako sa ibang mundo kung saan walang kulturang Pilipino.. malamang pati dito.. mawawala din ako..