ako si atari...

My photo
Manila, Philippines
salamat sa pag daan nyo sa kapirasong sulok ng aking buhay. i-click nyo lang ang title ng mga walang kakwenta kwenta kong artikulo para mabasa ito ng buo.. kudos!

Friday, January 30, 2009

APO frat's 'most destructive gang'


Kanina bago pumasok.. napanood ko sa Umagang Kay Ganda ang isyu na to.. hindi ako miyembro ng APO.. miyembro rin ako ng isang fraternity at bilang isang miyembro ng isang Fraternity. Masakit ang paratang na ito lalo na sa mga miyembro ng APO.
Nung bata ako, nasiksik sa utak ko na ayaw ko sumali ng frat.. at dehins tlga ako sasali. namulat kasi ako sa kung ano ang pinamulat sakin ng media. na ang frat ay puro lang away.. na pag marami kang kaaway sumali ka ng frat.. na kung gusto mo maging siga.. sumali ka ng frat.. na kung gusto mo maging popular.. sumali ka ng frat.. ayun kasi ung sinisiksik ng telebisyon sa utak ko. na yung mababait na bida sa pelikula ay binubugbog ng grupo or frat na wala ng ginawa kundi manggulo at manarantado ng estudyante.. at yun ang pagaakala ko noon. para sa kaalaman ng iba.. wala ka cgurong makikitang kawani ng pamahalaan or gobyerno na hindi miyembro ng isang frat.. ultimong mga abogado at mambabatas ay miyembro ng frat.. ang mga senador natin ngayon ay miyembro rin ng isang frat.. mantakin mong si erap ay miyembro rin ng frat (d ko tlga alam kung anong university kasi parang d nmn ata sya nagcollege).. sa unang taon ng pagtungtong ko sa fraternity na kinabibilangan ko.. nasabi ko sa sarili ko.. "bakit hindi ko napapanood noon sa TV to?" bakit hindi sinasabi ng telebisyon sa amin na ang mga fraternity pla na to ay may activities and public service na gaya ng medical mission, pagdodonate ng mga lumang libro sa mga elemenntary school, voluntary na pagdodonate ng dugo.. marathon event upang makaipon ng pondo sa mga taong may kapansanan, magdodonate ng mga lumang damit sa mga nasalanta ng kalamidad.. at kung ano-ano pa.. bakit di sinabi ng media sakin to? kaya tuloy ang bata pumapasok sa isip nila na ang fraternity ay puro gulo lang.. ang masakit pa nito.. hindi nktulong ang impormasyon na iyon sa mga bata para mailayo sila sa gulo.. lalo pa silang nakakuha ng idea sa maling paraan.. ayun.. gumawa sila ng mga frat nila sa baranggay nila.. minsan nagugulat ako merong AKRO at APO sa baranggay namin kung saan ang mga miyembro ay mga highschool at out of school youth.. kung ako ang tatanungin. hindi ako naniniwalang kinikilala tlga sila ng mga frat na un. gawa-gawa lang nila un at kinuha na rin ang mga pangalan ng mga sikat na university frat. tsk.. tsk.. in short.. frat fratan.. or pekeng frat.. tuloy nadungisan ang mga pangalan ng mga nasabing frat dahil sa mga siraulong mokong na to na walang ginawa kundi mambato ng pillbox at pana sabay sigaw sa frat nila kuno..
ang fraternity ay isang kapatiran.. at bawat kapatid ay may sariling responsibilidad sa lipunan.. hindi kapatiran sa riot o gulo. marami akong kaibigan sa APO at ganun na rin sa ibang frat.. ang paratangan ng ganito ay masakit dahil halos sirain nito ang pangalang binuo ng mga miyembro, alumni at mga ninuno nito..

3 comments:

Dil said...

amen! tama yung mga sinabi mo

-APO member

atari floralde said...

salamat.. isa akong frat member pero hindi APO member.. but i do have friends sa APO. unfair nmn kasi ung para sa inyo at sa iba pang fraternities nationwide. hindi tayo tumulong bumuo ng pangalan na un para sirain lang ng iba.. post ka rin ng comment sa multiply ko about dun..

http://walanghiligmagsulat.multiply.com/journal/item/66

Anonymous said...

hi! napadaan ako and i read your entry. member din ako ng soro, and marami ring kaibigang APO. ilang beses na rin akong sumulat about sa pagsali ko at sa mga natutunan ko. pareho tayo ng relaization at ng experiences - yung med missions, book-lending programs at kung ano anong activities that aim to serve the people. :) yung stereotyping sa mga frat and soro,mahirap ng tanggalin yan. yun lang ang nakakalungkot, kahit anong gawin nating mabuti, hindi napapansin (though hindi naman talaga kelangan ibroadcast), pero 'pag may nagawang mali ang mga "gang", sa'tin pa rin nabeblame.