.jpg)
.jpg)
hay.. namimiss ko na ang pagbablog. nagtatampo na rin ang pareng laptop ko at lagi ko syang pinapagod sa pagttrabaho.. kaya ngayon may blog session kami..
time starts now..
kagabi pinilit ko magrelax mula sa pagpapaalipin sa trabaho. wala ako magawa kaya nagdownload nalang ako ng mga kanta. syempre tagalog.. pusanggala bihira na ako makarinig ng mga OPM song. nagdownload din ako ng mga foreign songs. at nilagay ko lahat sa iPhone ko.. ng may bago nmn ako mapakinggan sa ofis..
kaninang umaga habang bumbyahe papuntang ofis ay pinakinggan ko ang mga dnownload ko. at sa isang iglap nakapagsalita ako ng hindi maganda "shit!" tama.. napa "shit!" nga ako.. "shit!" kasi ang dami kong naaalala sa mga kantang un. naaalala ko lahat ng mga pangyayari sa buhay ko na pinapakinggan ko un.. naaalala ko nung nasa FX ako papuntang makati lagi ko pinapakinggan sa iPod ko ang kanta ng DA WUDS na "nakalimutan ang Diyos".. naaalala ko nung nasa G-Liner ako at pinapakinggan ko ang mga kanta ni Alanis, jeff Buckley, Keane at rivermaya.. shit! nasan na ba si Rico Blanco? may balita ba kayo sa kanya. si Rico ang isa sa mga idolo kong manunulat ng kanta. Genius!
tapos napatingala ako sa langit. ibang iba ang langit sa pinas sa langit sa dubai. kanina ko lang nalaman. sa sobrang pagmamahal ko sa bayan kong punong puno ng gulo sa gobyerno.. pati langit nito nakabisado ko. ngayon ko naapreciate ang Pinas. siguro nga kelangan pa mawala sayo ang isang bagay bago mo ito maapreciate at bago mo malaman ang kahalagahan nito. tama! iyon nga yun..
pagkatouch ko ng NEXT sa playlist ko.. losing my religion. "shit!" uli.. naalala ko ang banda ko..
meron akong banda sa pinas. siguro sa lahat ng kinahiligan ko sa buhay.. yun ang hindi ko ma-let go.. ang musika.. lahi kami ng mga musikero. lahat ng mga kapatid ko kahit magulang ko marunong tumugtog ng instrumento.
2nd year hayskul ako nung nagumpisa akong magbanda. 4 kami sa banda noon.. si vanie ang drummer, si eric ang bassist, ako ang lead guitar at vocalist at si RJ ang rythm guitar.. umusad ang panahon at may nadagdag sa amin. si christian pero ang religion nya ay hindi christian. ang cool noh? kya lang hindi rin sya nagtagal kasi nabuntis nya yung jowa nya na lagi nyang sinasama pag may rehearsal kami. actually libangan lang tlga ang pagbabanda nun. tuwing pagkatapos namin maglaro ng basketball ay dederetso kami sa studio at magppractice tapos maliligo.. gusto kasi namin pahirapan ang mga katawan namin. nakatungtong kami ng kolehiyo at nagbabanda pa rin kami pero libangan lang tlga. hanggang sa nabawasan na nmn kami ng isa. at this time.. 3 nlng kami. nagiba na rin kami ng pangalan ng banda.. naging "MONGHE NG HILAGA" kami. sikretong malupit nlng ung una namin pangalan. ang makahula may premyo sakin. hehehe..

3 nlng kami sa banda.. napilitan akong mgdrums.. si eric ang bassist at si RJ ang gitarista.. at this time.. Dream Theater na ang kinakana namin. mejo tumaas ng konti ang level ng tugtugan. sumali kami sa mga battle of the bands. minsan nananalo.. minsan hindi.. naging manila semi finalist kami sa muziklaban noong 2005. hanggang sa naiimbitahang tumugtog sa mga bar. pero d tlga namin sineryoso ang pagbabanda (sa lagay na yun) kasi iba ang mga pangarap tlga namin. at nagaalaral din kami noon.
lumayas ako sa pinas.. iniwan ko ang mga drumstik, double pedal at gamit ko sa musika.. pero ang puso ko hinahanap tlga ang pagbabanda.
miss ko na ang Pinas. ni hindi ko na nga alam ang uso sa MYX.. namimiss ko na ang OPM band. namimiss ko na rin ang mga mala-EMO na mga paslit sa pinas na naglalakad sa daan. namimiss ko na ang mamalo at umapak sa pedal.. namimiss ko na ang sumigaw sa microphone.. namimiss ko na ang tumalon sa mga concert at makipagbanggan ng katawan. miss ko na lahat. malaking sulok ng buhay ko ang musika. kaya malaking sulok din ng buhay ko ang nawala.
miss ko na tlga.

No comments:
Post a Comment