ako si atari...

My photo
Manila, Philippines
salamat sa pag daan nyo sa kapirasong sulok ng aking buhay. i-click nyo lang ang title ng mga walang kakwenta kwenta kong artikulo para mabasa ito ng buo.. kudos!

Sunday, May 4, 2008

..its a bird! ..its a plane! ...Heller?! Nanay ko po yung tinutukoy nyo!


Ang childhood Hero ko ay si Super 123, pero namulat din ako sa X-men, kay superman, batman, kay robin(padilla), kay darna at kung anu-ano pa.. akaelibs ang mga abilidad at kapangyarihan ng superhero na ito kung iisipin mo.. pero.. wala yan sa NANAY ko..

Lima kaming magkkapatid.. Minus one kaya apat nlng. namatay kasi ang panganay namin noong hindi pa ako pinapanganak at sila plang ang miyembro ng pamilya, so nung time na yun wala pang cute sa pamilya namin. d pa kasi ako pinapanganak nun. hindi kami mayaman nun, ni sa level ng "may kaya" eh hindi kami makakatungtong. pero sinwerte ako sa pamilya at higit sa lahat sa nanay. hindi nagpagapi at nagpatalo ang nanay ko kay pareng kahirapan. walang trabaho ang tatay ko. at lahat kaming magkakapatid ay nagaaral, nagbabayad pa kami ng renta sa condiminium, kuryente, tubig at mga ibang pang gastusin sa bahay.. pero sinisiw ng mama ko ang mga gastusin na yun.. pinakain ni mama ng alikabok si pareng kahirapan.

dating teacher ang nanay ko pero d na sya nagturo, siguro alam nyang wlang mangyayari samin kung magtteacher sya. halos lahat ng raket ata pinasok ng butihin kong ina. Nag AVON ang nanay ko habang nagbabantay ng maliit na sari-sari store na itinayo nya. dahil ang nanay ko ay Mrs.Friendship nung panahon nya ay marami syang naging customer at marami ring bumibili sa aming tindahan. kung may friendster lang noong panahon ng nanay ko baka 10 ang account nya sa dami nyang friends. siguro dun din namin namana kay mama ang pagiging palakaibigan sa lahat, maganda, pangit, may ipin, wala, matanda, bata, tao o hayop, manananggal mangkukulam, may kapansanan, nomal man o hindi.. kinakaibigan namin.. wala kaming pinipili. di uso sa pamilya namin ang racial at facial discrimination. sa dami ng customer ni mama. naging #1 hit ang sari-sari store namin nun at naging monthly top seller ang nanay ko sa AVON hanggang sa napromote sya bilang Franchise Dealer. ilang beses nag abono ang nanay ko sa AVON pero d sya nagresign. alam nya kasi malaki ang naitulong ng AVON sa amin.. (parang inaadvertised ko na ang AVON d2.. sana mabasa nila to at bayaran ako) matapos nun eh hindi pa napagod ang nanay ko. daig pa si wonder woman na walang kapaguran. nag buy and sell si mama, nag natashia, saralee, boardwalk, nagrasyon ng bigas, nagnegosyo ng four seasons, nagpautang (oh infairness nagpapautang na kami!), at ngayon Meron na kaming Gift Shop na number one leading Gift Shop sa aming barangay.. Naks! konti nlng matataob na namin ang National bookstore! dumating ang oras na nagabroad ang Nanay ko. nung time na yun ang time kung saan sinubok kami bilang Pamilya. nagtrabaho ang nanay ko bilang mananahi sa taiwan. kami naman ay parang pamilyang unti-unting gumuguho sa konting ulan lang na dumating sa aming tahanan. Doon ko napatunayan.. walang kwenta ang pamilya kung walang nanay sa tahanan. naranasan kong pumasok ng walang almusal at laging late, uuwi ng walang tao sa bahay.. at nagiisa lang ako nakaupo sa sofa. at isa sa pinakamaskit na naranasan ko ay nung dumating ang araw ng birthday ko ngunit wala manlang nakaalala. d ko makakalimutan yung araw na yun. ang tanging nakaalala lang ay ang panganay kong kapatid.. umuwi sya nun galing PLM ng sinabi nya.. "oh bakit?!" at ang nasabi ko lang "birthday ko ngayon eh.." doon lang nila naalala na birthday ko. doon ko naisip na kung nandun ang nanay ko that time! baka masaya ang gabi ko. doon ko naranasang hindi ako nakapagpasa ng mga project ko at assignment sa school dahil wala ang nanay ko para tulungan ako. paralisado ang pamilya namin nun. doon ko naisip, si nanay ang Main Man ng aming tahanan. nung mga panahon na yun ay natuklasan ko rin ang sarili kong talento. dahil sa gusto kong maglibang, sumali ako sa mga audition sa school namin. naging varsity ako ng volleyball nun(pero hindi ako bading!), naranasan ko rin sumali sa singing contest sa school kung saan kusot ang polo ko pero inuwi ko ang 3rd place. naging champion ako sa drawing.. at naging player din ng soccer sa Don Bosco. cguro napansin ni Papa Jesus that we badly need our mother back (naks! english un!) nagulat nlng ako isang araw at sinalubong ako ni r-jay sa tulay galing ako sa practice ng volleyball "allan nanjan na nanay mo ah!" naisip ko nun "si r-jay malala na.. kung anu-ano na ang pinagsasabi, kumpleto nmn ang pamilya nya pero bakit parang nauna syang masiraan ng ulo sakin" paguwi ko at pagbukas ng ko pinto doon ko napatunayan.. NORMAL SI R-JAY! nadoon nga ang nanay ko! nagulat kami kasi wala pa syang 3 months. at nagulat din ang nanay ko at nagkaroon sya ng ticket pabalik sa pinas.. hindi nya daw alam kung saan nanggaling basta dineliver lang daw sa bahay nila sa taiwan. doon ko napatunayan.. ASTIG SI LORD! binigyan nya ng ticket ang nanay ko at hindi lang basta ticket sa eroplano.. 1st class ticket pa! umuwi ang nanay ko sa pinas at hindi na bumalik uli. at mula noon, sinimulan namin ang naudlot naming pangarap. ang angas ng nanay ko kung tutuusin. at ang angas din ng pamilya namin.

siguro kayo sasabihin nyo rin sakin "wala ka sa nanay ko.." pero isa lang masasabi ko.. kahit ipagmayabang nyo nanay nyo sakin. d pa rin nila kayang talunin ang nanay ko. Napagtapos kaming lahat ng nanay ko gamit lamang ang sarili nyang abilidad, talino at lakas ng loob at hindi nya lang kami pinagtapos, nasunod din namin ang mga luho naming magkakapatid kahit hirap kami. hindi namin naranasang mainggit sa mga kalaro namin dahil nagkakaroon din kami ng mga laruann magagandang damit at sapatos noon na tanging "may kaya" lang ang nagkakaroon. pero kahit ganun. proud ako kay mama dahil ni minsan ay di kami nanloko, nangagrabyado ng tao para lang kumita. ngayon ang pamilya namin ang isa sa pamilyang ginagalang sa baranggay namin. Ang nanay ko ay isang ng Presidente ng ilang Women Organization sa Tondo, naging kagawad ang tatay ko, napagtapos ng nanay ko ang panganay namin at ngayon ay nagttrabaho na sa malacanang bilang commissioner, ang ate baby ko nmn ay teacher sa isang private school at ngayon ay nagmamasteral, ang kuya ko ay may sarili ng pamilya at meron ng sariling negosyo, at ako? Graphic Designer lang nmn ako dito sa dubai at isa sa may hawak ng proyekto at gagawa ng pinakamalaking Animated Ad Banner sa buong mundo. soon mababasa nyo na ang pangalan ko sa guinness book of world record.. Ang angas diba?! hindi ko pinagmamayabang ang mga sarili namin. pinagmamayabang ko ang Nanay ko na nagsumikap upang marating namin ito.

Ngayon sa darating na araw ng mga Ina sa Mayo 11. isa lang ang masasabi ko sa nanay ko. "Ma! salamat.. pakiss nga.. mmwwhhhaaa!"

ikaw? superhero din ba ang nanay mo? cguro OO.. pero sinasabi ko sayo.. wala pa rin tatalo sa nanay ko.

1 comment:

Kringkring said...

Hi Allan...thanks sa kwento mo...ang sarap basahin kasi may lalim at the same time may sense of humor....kakatuwa...you're so talented in writing and keep it up!!! Thumbs up ka bro!!!!