ako si atari...

My photo
Manila, Philippines
salamat sa pag daan nyo sa kapirasong sulok ng aking buhay. i-click nyo lang ang title ng mga walang kakwenta kwenta kong artikulo para mabasa ito ng buo.. kudos!

Friday, May 30, 2008

sino nga ba AKO??




marami na akong naisulat.. at naikwento pero hindi ko pa ata napapakilala ang sarili ko. at maaaring hindi nyo pa tlga alam kung sino ako. maaring nakikita nyo ang profile ko sa friendster at multiply at napapatanong kayo.. "sino ba tong A-HOLE na toh!"

ang kumpleto kong pangalan ay Allan Floralde. di ko na sasabihin ang panggitna ko ng may maisekreto nmn ako sa inyo. Lumaki ako sa maingay at masayang kumunidad ng Tundo. Bunso ako sa apat na magkakapatid (2 pogi at 2 maganda). nagaral sa pampublikong paaralan at hindi ko ito ikinahihiya.. hindi ako nagmula sa buena de familia.. pero nagmula ako sa pamilyang ubod ng saya. kaya minsan di mo rin ako masisisi kung tinatawanan ko lang ang problema.. at kung ako nlng magisa.. doon ko na ibubuhos ang naipong luha sa pagtawa.

favorite color ko ay pink at black (d ako bading ah).. all time favorite band ko ay rivermaya(nung si rico pa) at beatles.. favorite actor ko ay si Adam Sandler.. at favorite actress ko ay si vilma santos..

pinalaki kaming magkakapatid na kelangang magmano sa matatanda.. gumamit ng PO at OPO o dili kaya ay HO at OHO.. iniimagine ko tuloy ang nguso mo habang binabasa mo yun. hehehe.. pinalaki din kami na kelangan sabay sabay kumain sa almusal, tanghalian at hapunan.. nagdarasal bago kumain.. bago matulog at pagkagising.. tinuruan din kami na bawal sumabat pag may naguusap na matatanda at yuyuko pag dadaan sa gitna ng dalawang naguusap. Pinalaki kaming walang manonood ng TV at maglalaro ng nintendo habang hindi pa tapos ang assignment. natutulog pag tanghali at sabay sabay nagsisimba.. in short.. kinasanayan na naming magkkpatid na ipractice ang GMRC.. hindi ko alam kung bakit kelangan gawin ang mga un,, basta ang sinasabi lang ni mama sakin.. RESPETO daw un at DISIPLINA..

ang pagkabata ko ay makulay na parang sinabawang gulay.. lumaki ako sa syato, pera sa likod, tumbang preso, patintero, teks, dampa, ligtasan, basketball, taya sa gitna, lego, kalog, tansing ng laruan at kung anu-ano pa. malaya ako nung bata basta wag lang daw akong magdodroga.

nahilig ako sa pagddrawing.. actually lagi akong sumasali noon ng mga patimpalak ng POSTER MAKING CONTEST sa eskwela.. at tuwing nananalo ako.. iisa lang ang natatanggap kong premyo.. ang prestihiyosong SAKURA OIL PASTEL.. alam ko magaling ako sa pagddrawing noon pero ngayon ay hindi na.. may isang pangyayari kasi sa buhay ko na nagpabago nun.. at sa akin nlng un. naging miyembro ako ng dance group noong highschool at banda na rin.. magkaiba noh? pero totoo.

pagtungtong ko sa kolehiyo ninais ko maging pulis.. that time kasi gusto ko tlga itumba ang mga adik samin. pero di ako pinayagan ng mama ko kaya no choice ako kundi pumasok sa PLM (Pamantasan ng Lungsod ng Maynila) at doon ay naging miyembro ako ng theater guild nila.. ang MAGWAYEN CREATIVE SCHOLARS GUILD.. at ng kapatiran na PI GAMMA PHI. pinangarap ko maging artista pero kahit ano gawin ko eh nanatili pa rin akong pangkaraniwang mamamayang lokal ng Pinas.

kinalaunan eh nagtransfer ako sa PUP dahil sa pagkakaospital ko ng ilang buwan dahil na rin sa aking katangahan. malaking aspeto ng buhay ko ang PUP kahit na sandali lang ako nanatili doon.

nagtrabaho ako sa Pinas bilang Non-Linear Editor at Animator sa mga kumpanyang wildfire at GMA 7 (pero kapamilyang totoo ako).. ngayon nandito ako sa ibang bansa at nakikipagtagisan ng talino(kung meron nga) at creativity sa mga dayuhan galing sa ibat ibang sulok ng mundo. at gaya ng dati.. Non-Linear editor pa rin ako at animator sa isang Ad Agency dito.. ang kaibahan nga lang.. parte na ako ng creatives team at senior na din.


nahilig sa mga gadgets at games.. nahilig sa pelikula.. naadik sa DVD.. nahilig sa musika.. nangolekta noon ng NBA cards.. naranasan umakyat ng bundok.. maglibot sa sementeryo ng madaling araw.. hindi nahilig sa anime pero nagustuhan ang naruto at slamdunk.. nahilig sa sapatos.. sa bag.. nagmahal.. nasaktan.. nagmahal uli.. at nakasakit nmn.. nahilig sa mga gig at concert.. nahilig sa mga bagay na pinipindot.. nakapunta ng hongkong, disneyland para mamasyal, pumuntang samar upang maranasang mangisda.. naging aktibo sa youth organization.. dumami ang kaibigan at kachokaran.. pero kahit kailan hindi ako nakalimot sa Diyos..

sa tuwing binabalikan ko ang pakabata ko.. ang layo layo ko noon sa ngayon. ni wala sa isip ko na mangingibang bayan ako.. wala sa isip ko na magiging ganito ang trabaho ko.. ang akala ko kasi noon magiging pulitiko ako.. ni wala sa isip ko na tatangkad pa ako ng konti.. ni wala sa isip ko na mangyayari ang mga ganito..

ngayon naiisip ko.. sana bata nlng ako habang buhay.. walang problema.. laro lang ng laro.. nanghihingi sa nanay ng pambili ng wonderboy at granny goose (yun ang tawag ko sa tortillos noon)..

sana..

sana pwedng maibalik ang noon..

5 comments:

Anonymous said...

"sana mabalik ang noon.."

...u realy want to be back sa "noon" mo? y? it seems hindi ka masaya sa ngayun mu. pwede mu pa naman balikan if really want.. pwede mo pa naman iwanan yung ngayon mo.. y not?

well, gudluck! nice one! *_*

Not.The.Actress said...

Hey!
Thank you for stopping by at my blog. My Tagalog is terrible and therefore I can't fully enjoy yours.

Take care!
x.Not The Actress.x

kisapmata said...

evrytime i tried to read this entry sinasabi ko lague sa sarili ko.. it has nothing to do with me kaya wag ako masaktan. natatawa ako sa sarili ko..i can read between the lines.. i remembered myself asking "asan ako dito?" u were telling stories about yourself..& u never mentioned me as ur wife.. isang bagay lang ang nagsink in sa utak ko.. "gusto mo ibalik ang noon mo.. kasi ako ang present mo.." and that hurts.

Anonymous said...

sino ka nga ba noon?

balik k na lang sa noon mo.. baka mas masaya ka nga dun..

adelic said...

ooo... nakagamit pa ako nun ng sakura pastels!