"love makes no promises.." ika nga ng isang kanta nung 80's. bakit nga ba pag nagmamahal ka eh hindi pwedeng hindi ka mangako.. nung mid 50's eh nauso ang "sumpa.." nung 70's sumulpot si "pangako.." na karaniwang ginagamit ngayon sa mga kanta.. at nung 80's nagpakilala si "promise.." nahanggang ngayon ay sikat na sikat sa mag-irog.. at nung 90's.. nadagdagan ng "promise cross my heart..hope to die".. pero ano nga ba ang pangako..
nanjan ang susungkitin daw ang buwan.. pagsisilbihan daw hanggang mamatay.. mamahalin pa daw ng walang kapantay.. ipagtitimpla ng juice.. ipaglalaba.. gagawan ng rebulto.. tatanggalan ng patay na buhok.. kakayurin ang libag.. huhugasan ang pwet mo.. at kung ano-ano pang pangako.. pero.. may natupad ba? at eto nmn si tanga.. kada pangako niya ay nagniningning ang iyong mata.. umaawit ang iyong puso.. at naglalaway ang iyong mga labi.. pero pag ang pangako niya ay napako.. naguumpisa ka na magamok.. sapian.. at diliryuhin.. pero sa huli hindi pa rin tayo natututo.. nauuto pa rin tayo ng mga pangako..
wag ka maniniwala sa pangakong yayaman kayo pag napangasawa mo siya kung sa sarili nya d siya makadelihensya ng pamasahe sa date nyo.. wag ka maniniwala sa pangako niya na ikaw lang ang babae sa buhay nya kung buhay pa ang kanyang ate at nanay.. wag ka maniniwala sa pangako niyang manonood kayo ng sine kung takot naman siya sa dilim.. wag ka maniniwala sa pangakong nya ibibigay nya sayo ang buwan(obvious nmn kahit tanga hindi maninwala. pwede ba un..).. wag ka maniniwala sa sinabi niya na ang relasyon nyo ay pangmatagalan kung lahat ng X nya ay inaabot lang ng ilang linggo.. at higit sa lahat wag ka maniniwala sa kahit anong pangako nya.. kasi kahit pangako niya sa sarili nya.. d nya matupad.. tpos iiwan ka rin nya.. ihanda mo na ang sarili mo sa mga dahilan nya pag iniwan ka.. sabi nga ni mary ramos (naks! ayan binanggit ko buong pangalan mo..) uso daw ang iwanan ngayon at ang dahilan na "sorry ha.. hahanapin ko lang ang sarili ko.." yeah! you read it right.. uso ngayon ang mga nawawalang sarili kaya ingat ka.. mejo humahabol un ngayon sa top 5 na karaniwang dahilan ng taong mangiiwan..
alam ko nmn na pagkatapos mo basahin ang mga ito ay maniniwala ka prin sa mga pangako ng juwa mo.. d ko na problema kung kabilang ka sa mga taong uto-uto sa juwa.. basta ako.. nevah! d na nila ako mauuto.. d na ako maniniwala sa mga pangako.. at hindi na rin ako magpapaloko... PROMISE!!
www.atarifloralde.tk
ako si atari...
- atari floralde
- Manila, Philippines
- salamat sa pag daan nyo sa kapirasong sulok ng aking buhay. i-click nyo lang ang title ng mga walang kakwenta kwenta kong artikulo para mabasa ito ng buo.. kudos!
Friday, October 19, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
naitsismis lang sa'kin etong blog mu ng isa sa mga kaibigan ko sa cyber space. astig ang pagkakasulat! may laman.. may emosyon.. eto ba ay kathang isip lamang o tipong trip lang? nagmula ba ito sa isang mapait na karanasan? galit ka ba kay kumpareng pagibig? tsk..tsk..tsk.. mukhang sa iyong panulat lumabas ang himutok mu sa larangan ng puso. wala nmang masama..astig nga ang maglabas ng saloobin gamit ang tinta at papel.. kaya lang sana hindi ka na galit sa mga sweet magjowa na nakaksalubong mu sa kanto or nakakasakay mu sa jeep..
sana sa susunod na dalaw ko,makabasa ako ng isang obra na hindi ka na takot kay pareng pag-ibig at handa ka ng sumugal sa kanya.. matalo o manalo.
iibig ka rin pareng atarix... at aantayin ko ang obra mu kung saan ikaw ay natamaan na ng pana ni kupido.
- kisapmata
hehehe.. parang ako ikaw.. hahaha.. d nmn un himutok lang or bugso ng nagsisilakbo kong damdamin.. damay din dito ang mga damdamin ng mga kaibigan ko, tropa, ka-echosera, kaututang dila at mga napadaan lang sa bahay namin.. yaan mo.. gagawa ako ng ganun.. cge.. hehehe..
aba cge aantayin ko.. sana sa madaling panahon!
kudos!
hala..tinamaan ka ng magaling prekoy...napana na puso mo..hahaha
Post a Comment