
..ayon yan sa isang librong nabasa ko (na hindi ko pa natatapos!) at napatunayan ko ito nung pumunta ako noon sa Hongkong (na feeling ko nasa ongpin lang ako) at ngayon dito sa dubai. kahit na siguro lunurin nila ako ng kultura at kinagisnan nila. kulturang pinoy pa rin ang aking hinahanap ko.
nakakatawang pakinggan pero namimiss ko rin pala smoke pullution, ang basura sa lansangan, ang ingay ng jeep, ang mga holdaper (na halos bespren ko na!), ang videoke, ang sidecar, ang kwek-kwek, ang mga lutong ulam sa kalsada pati almusal, ang soap opera, maniwala kayo sa hindi pati si Madam Gloria miss ko na! di ko na nga alam ano nangyari kay Jun Lozada. kung totoo ba ang mga sinasabi nya o pawang mga guni-guni lang.
Noon sa pinas simple lang ang buhay ko, hindi ako magarbo, hindi mapaghanap, simple lang tlga. gigising ako sa umaga para manood ng Umagang kay Ganda (naks! may plugging pa!).. tpos lalabas titingin ng almusal sa tindahan nila aling cely, syempre papalapit plang ako kay aling cely binabalot na nyan ang tsamporado at 3 pandesal na may palamang keso. yan ang menu ko araw-araw kay aling cely... pagkatapos maliligo, papasok sa opisina. nakakatawa pa nito sa GMA 7 ako nagtatrabaho pero paguwi ko sa bahay kapamilya ang pinanonood ko. hehehe.. trivia yan!... tapos uuwi, magbibihis at dadaan sa giftshop namin para makipagkwentuhan sa mama ko na nagbabantay dun.. bibili ng isaw o baga at sparkle.. miryenda na yun! tapos maya-maya ay maghahapunan na at manonood ng TV hanggang sa makatulog. ganyan ang buhay ko sa pinas. pero nagbago ang lahat nung nagsimulang tumuntong ang mga makikinis at flawless kong paa dito sa dubai. bawat araw ay puno ng pagsubok sa buhay.. dito na ako naghanap ng trabaho. Graphic Designer ako sa Pinas kaya Graphic Designer din ako dito. halos bawat araw parang hinahamon ako ni pareng tadhana kung saan ko gusto pumunta. sa dinamidaming lahi ang nagaapply dito eh nahirapan ako makapasok. merong pakistani, iranian, indian, sri lankan, britton, russian, american, kenyan, egyptian at kung anu-ano pa.. sa tuwing pupunta ako sa interview expected ko na na parang Miss Universe ang pupuntahan ko kalaban ang ibat-ibang bansa at makikipagpaligsahan sa question and answer at talent portion. naka ilang pageant este company rin ang pinuntahan ko.. naka 3 ata ako.. pero sa huli.. ako ang nagwagi. tinaas ko ang bandera ng pinas. ang nakakatawa pa nun.. sa mga nagaaply ako lang ang naka longsleeve, faded jeans and white chucks ang nagapply.. lahat sila naka pormal.. pinatunayan ko lang na "looks can be decieving.." hehehe..

dito sa dubai halos makikilala mo ang pinoy sa ugali.. nakangiti kausap, mabango (mabaho kasi sila..), malinis tingnan at magaling pumorma.. tama... naniniwala ako na ang pinoy ay likas na fashionista.. tuwing nakakarinig ako ng nagtatagalog or mga pinoy na naguusap ng tagalog.. napapangiti ako.. nakakamiss din kasi ang usapang ganun. yung tipong from top to bottom ng usapan tagalog lang.. namimiss ko tuloy ang mga chismosa samin..
ang mga pagkain dito hindi mo matetake.. hay.. masakit sa sikmura.. kahit cguro pulubi satin d kakainin ang mga yun.. kaya bihira ako kumakain sa labas. mas gusto ko pa yung namamalengke at nagluluto.. lutong pinoy pa.. nakakamiss mamalengke sa talipapa.. dito kasi sa mall ka pa mamamalengke.. hindi ka tuloy makatawad kasi computerized ang kiluhan, kaya minsan sinisisi ko ang pagusad ng teknolohiya, pati palengke sinalanta na, d na tuloy ako makatawad sa presyo sana d mangyari ito sa mga palengke at sidewalk vendors sa pinas.
hay.. miss ko na ang pinas.. miss ko na ang PBA.. miss ko na ang bangayan sa gobyerno.. miss ko na ang iskandalo sa mga artista.. miss ko na ang tumambay sa kapit-bahay.. miss ko na tlga..
pati sarili ko miss ko na..
miss ko na ang sarili ko nung nasa pinas ako..
makauwi lang ako..
magwawala ako.. hahaha!
